Miyerkules, Disyembre 6, 2017

Kahalagahan ng Akademikong Sulatin

        Kahalagahan ng Akademikong Sulatin

     Ang akademikong sulatin ay isang masinop at sistematikong sulatin ukol sa isang karanasang panlipunan na maari pang maging batayan ng marami pang pag aaral na magagamit sa pagtaguyod ng lipunan. Ang karaniwang estrutura ng isang akademikong sulatin ay may simula na naglalaman ng introduksyon, gitna na naglalaman ng paliwanag at wakas na naglalaman ng resolusyon, konklusyon at rekomendasyon.

     Sa panahon natin ngayon nalilimutan na natin kung papaano nga ba ang wastong pagsulat ng akademikong sulatin kung kaya't nahihirapan tayo sa pagsulat ng mga ito. Mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng akademikong sulatin upang magkaroon ng sapat na kaalaman kung papaano nga ba ang wastong pagsulat ng mga ito. Kung ikaw ang manunulat maihahayag mo nang maayos ang nais mong iparating sa mga babasa nito.

     Marapat lamang na pag aralan at magkaroon ng sapat na kaalaman kung papaano ang pagsulat nito. Papaano na lamang kung hindi tayo maalam sa pagsulat ng akademikong sulatin? Maaaring hindi natin maihahayag ng wasto ang ating sarili sa paraan ng pagsulat at maaari din na hindi ito madaling mauunawaan. Kung kaya't dapat nating aralin ito.


Mary Michellyn Ilustre

11 komento: