Ano nga ba talaga ang mayroon sa pagsulat? Ito ba ay binubuo ng mahabang proseso? Paano ito naisasagawa ng kaaya aya at makabuluhan sa mambabasa? Ano ang bumubuo at saan napapaloob ang mga nilalaman nito? Ito ang mga katanungang nasa isip ng mambabasa at mga manunulat.
Marami ang gustog malaman ng mga nag aaral ng akademikong sulatin. Ang nilalaman ng akademikong sulatin ay umiikot sa paksa at opinyon ng manunulat nito. Ang bawat detalye na nakapaloob sa akademikong saulatin ay mga paliwanag o mga kaisipan na magpapakita o paglalarawan sa paksa o pamagat nto. Kung ang isang akademikong sulatin ay nangangailangan ng tema at paksa at upang maihayag ng mabuti ang mga ito. Kinakailangan din ng sapat na kakayahan at tamang pagsasa ayos ng gramatiko.
Ang akademikong sulatin ay napakahalang bantas upang magkaroon ng sapat at tamang pagbibigay kahulugan sa mga nais ipahayag ng manunulat nito. Ito ay dapat linangin ng bawat isa upang magkaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng manunulat at mambabasa nito.
Op.2
" Mga Salik Sa Epektibong Pmamaraan Ng Pagtuturo Sa Asignaturang Filipino Sa Mataas Na Paaralan Ng Palompon Institute Of Technology Palompon, Leyte"
Tinututukan sa pag aaral na ito ang mga epektibong proseso sa pagtuturo sa asignanaturang Filipino. Para sa mag aaral, ito ang pangunahing gawain ng guro. Sentral na paksa ang mga karaniwang pamamaraaan na ginagamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Sa sitwasyong ito, sinusubukan ng mga awtor na itampok ang ga katarungan o suliranin tungkol sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa asignaturang Filipino.
Sa isang libro, ang wika ang pinakamalinaw at pinakamahusay magbigay ng himatom sa kung ano ang partikular na pananaw ng tao sa daigdig na kanyang ginagalawan. Dahil dito, binibigyang diin ng bawat paaralan ang pagtuturo ng asignaturang Filipino. Kaya importante na maituro ng maayos ang asignaturang ito, lahat ng mag aaral sa pang akadeniko at maiaplay sa pangaraw- araw na pamumuhay.
Ang pinanghahawakang teorya ng pag aaral na ito ay patungkol sa mga pamamaraang ginamit ng mga ibat-ibang guro sa asignaturang Filipino at upang makalikom ng sapat at tiyak na pagsusuri tungkol sa usaping ito. Ang mga mag-aaral at mga guro ng asignaturang Filipino ay gabay upang makahanap ng epektibong pamamaraan.
Op.3
Titser Annie
una marami ang hindi mag aakala na may mga nakatira parin sa liblib at tagong lugar na halos napaliligiran ng gubat tatawirin upang ito ay marating. Si titser Annie ay nagtyaga at nag susumikap upang mabigyan lamang ng edukasyon ang mga batang mangyan ng sityo Labo,Mindoro Oriental. Hindi man ito ang kangyang pinapangaraap at nakasanayan na uri ng pamumuhay,ngunit dahil sa kanyang malasakit,sinikap nya ang hirap para sa mga batang naghahangad ng edukasyon
Sa gitna ng kalbaryo,makikita sa mga batang iyon ang pagbibigayan at pamamahal sa bawat isa. Pagtutulungan at pgmamalasakit sa bawat isa sa kabila ng hirap at kawalan ng marangyang pamumuhay. Ang estudyanteng si Dina ay dalawampung taong gulang at siya ay ang pinakamatanda sa mga estudyante ni titser Annie. Siya rin ay ang tumatayong ama at ina sa kanyang mga kapatid. Ang kanyang ama ay pumanaw na at ang kanyang ina ay dalawang taon nang nakikipagbuno sa karamdaman. Tatlong araw lamang sa loob ng isang linggo pumapasok si Dina sapagkat siya ay naghahanapbuhay upang magkaroon ng pambiling gamot at bigas. Siya ay nangunguha ng saging sa gubay upang ipagbili sa ibaba ng bundok sa Kamali. Araw-araw niya itong ginagawa ngunit kailan man ay hindi siya nagreklamo. Tahimik lamang niyang nilalakad habang pasan-pasan ang mga saging na nakuha niya sa gubat
Nang matapos ang termino ng pagtuturo ni titser Annie at siya ay binigyan ng bagong distrito ng pagtuturoan, hindi nya ito tinanggap mas maayos man at mas madaling puntahan, pinili parin niyang manatili sapagkat mas nangingibabaw sa kanya ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga batang mangayan na minsan naring napamahal sa kanya at nakapalagayang-loob niya, sakabila ng hirap at pagod na kinakaharap niya araw-araw. Hindi na maiaalis kay titser Annie na ang mga batang mangyan at ang kanilang mga magulang ay palagay na ang loob kay titser Annie. Ang pagmamahal at pagmamalasakit ang pumapawi sa bawat sakripisyong kanilang nakakaharap sa bawat araw.
Op.4
Ang Paaralang San Agustin ay itinatag noong ika-14 ng Pebrero taong 1969 sa ilalim ng pamumuno ng De La Salle. Nagsimula lamang ito sa 44 na estudyante at dalawang guro. Lumago ito hanggang noong taong 1971 ay sinimulang magtayo ng panibagong gusali para sa mataas na paaralan at natapos noong taong 1972.
Ang unang punong guro ay si Sr. Angeles Gatubina AR, na namuno sa loob ng dalawang buwan. Nang matapos ang kanyang pamumuno, simumdan ito ng pamumuno ni Sr. Clemencia Ranin. Noong taong 1971 ay pinamunuan naman ito ni Sr. Matilde, Samantala, ang tumatayong punong guro ng Elementarya ay si Sr. Ma. Leonora. Noong taong 1973 hanggang taong 1976 ay pinamunuan naman ni Bnb. Patricinio San Juan hanggang sa naging direktor ay si Rev. Fr. Teodoro Bawalan at ang tumatayong punong guro sa kasalukuyan ay si Bnb. Mercedita Pacumio. Ang logo naman na ginagamit ng paaralan ay ginawa at dinisenyo nina Norgin Molina, dating estudyante at G. Justo R. Cabuhat, isang tagapayo. Ang nakasulat sa logo nito na si ''Si Possunt Non Ego'' nangangahulugang "kung kaya nila bakit hindi ko kaya" na sumasagisag sa pagiging mahusay, masaya at nakatuon sa Panginoon.
Ang mataas na paaralan na Senyor ay itinatag noong taong 2016 kasabay ng pagpapatupad ni pangulong Benigno Aquino III. Ito ay may progamang inaalok ang pang akademikong pag aaral kung saan nahahati sa tatlong katangian ang HUMSS, para sa mga gustong magpulis at maging guro, STEM, para sa kukuha ng Medisina at pang inhenyero, at ABM, para sa mga pambangkong pagpapatakbo at ito ay pinamumunuan parin ni Bnb. Mercedita Pacumio.
OP.5
Si Lency May Ramos ay tubong Rosario, Cavite. Siya ay nagtapos ng elementarya sa Paaralang Elementarya ng Tejero's Convention at sa Mataas na Paaralan ng Rosario. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Paaralang San Agustin sa bayan ng Tanza, Cavite. Siya ay nasa baitang 12 at kinukuha ang ispesyalisasyong STEM. Siya rin ay kabilang sa koro ng Paaralang San Agustin.
Kasapi rin sya sa samahang bumubuo sa larangan ng paglalaro ng balibol sa kanilang barangay. Lagi rin siya at ang kaniyang ka grupo na iniimbita sa mga palaro sa mga kalapit na barangay. Siya ay sumasali sa mga "try-out" sa iba't ibang paaralan. Minsan na rin siyang nakatanggap ng parangal sa paggawa ng tula. Kinahihiligan niyang gawin ang maglaro ng balibol kung siya ay may libreng oras.
Sa kasalukuyan, pinaghahandaan niya ang kaniyang nagustuhang kurso sa kolehiyo, sa kolehiyo ng Saint Joseph. Siya rin ay nagbabakasakaling mabigyan ng pagkakataon na makapag "try-out" sa National University.
OP.6
"Wala Akong Ideya"
Nung una nating pagkikita, wala akong ideya,
wala akong ideya, na makikilala ka
wala akong ideya na magiging mahala ka
wala akong ideya na magiging kaibigan ka.
Kaibigan na masasandalan at madalas akong damayan
kaibigan na paulit-ulit man, handa parin akong pakinggan
kaibigan na hindi ako magdadalawang isip lapitan.
At kaibigan, kaibigan na hindi ko akalaing mamahalin ko ng tuluyan.
Akala ko dito na magsisimula ang kwento,
ang kwento na ikaw at ako mismo ang bubuo
kwento na puno ng saya at pag-asa
at kwento na marami ang makakabasa
ngunit hindi pala!
dahil ang kwentong inaakala ko, kailanman ay di mabubuo
dahil ang kwentong inaakala ko ay biglang nabura
na ang dating nagbibigay saya ay magdadala sa pagluha
dahil ang pagmamalasakit mo ay nagmistulang bula
ikaw ay lumayo at halos di ko na makita
ang kwento palang ito ay matagal ng nagsimula
at wala akong ideya........
Wala akong ideya na ang akala kong simula,
ay magiging sahi ng iyong pagkawala.
Wala akong ideya na ang akala kong simula
ay wakas na pala at sa akin ay magpapaluha.
Wala akong ideya sa kung paano nasimulan
at wala rin akong ideya na ito na pala ang katapusan.
Na ang ating pagkakaibigan ay mauuwi sa walang pansinan.
Wala akong ideya.
OP.7
Dating vice mayor ng Bohol kinasuhan ng graft at inabot ng labing apat na taon ang pagdinig sa kaso. Sa loob ng labing apat na taon ay tinatamasa parin nila ang kasaganahan na nanggaling lamang sa kurapsyon. Marami ang nakulimbat sa kaban ng bayan kaya't pati ang hustisya ay kanya na ring nabili. Patuloy parin ang pag iral ng kapangyarihan kahit sa loob ng korte. Bilang isang manunulat ako ay sumasang-ayon na marami ang gumagamit ng kapangyarihan upang matakasan ang nauukol na kaparusahan. Sila ay maaari paring makalabas ng bansa anumang oras nila gustuhin. Ang pribelihiyong ito ay kanila paring natatamasa sa kabila ng pagnanakaw ng napakalaking halaga mula sa kaban ng bayan. Hindi dapat pairalin ang kapangyarihan ng nasasakdal o kahit anong maaaring pag aari ng kanilang pamilya sa mga ganitong usapin. Ang umiiral na katiwalian ay patuloy parin at ang kanilang mga nakulimbat ay ginagamit sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Ito ay pakialaman ng husgado subalit dahil sa paggamit ng kapangyarihan ng kanilang pamilya, natakasan nila ang kaukulang parusa na dapat ipataw sa kanila.
FINALS
OP.2
Stress ka ba? Kailangan mo ba ng kapayapaan ng isip? Isa lamang ang maisasagot ko diyan, puntahan mo ang Kaybiang Tunnel sa Ternate, Cavite. Nakakasiguro ako na matatanggal ang sakit ng ulo mo at pati narin sakit ng puso mo. Malilibang ka talaga sa ganda ng tanawin. Maaari mong isama ang mahal mo sa buhay, pamilya, kaibigan o kahit nobyo at nobya. Dito rin ay sariwa ang hangin at talagang ikaw ay malilibang.
Hindi ko akalain na ganito pala ang lugar na ito at pangako, talagang natanggal ang sakit at bigat sa dibdib ko. Payapang karagatan, sariwang hangin na dala ng matataas at magagandang puno at higit sa lahat pakiramdam mo malayo ka sa problema kapag ikaw ay nasa lugar na ganyan. Medyo malayo man at mahaba-habang byahe bago kami nakarating pero masasabi ko paring sulit lahat ng pagod sa napakagandang tanawin at sariwang hangin na aking naranasan, lubhang napaypa lahat sa loob ko. Ito lamang pala ang magpapabago ng aking pananaw na hindi kailangan ng gadgets para lamang malibang.
Hindi kailangang gumastos ng mahal para pumunta sa ibang lugar para lamang makakita ng magandang tanawin katulad nito dahil dito lamang sa Cavite makikita at mararanaasan mo na. Lahat ng bigat at sakit makakalimutan mo na.
OP.3
Marami na akong nakasama, nakilala at nakalaro. Ilang team na ang napuntahan pero ang higit sa lahat nakasama ko sila sa mga napakahalagang kwento sa buhay ko. Nagsimula ako sa laro-laro lang hanggang sa maging manlalaro. Nakuha rin akong manlalaro na rumirepresenta sa amo=ing barangay at paaralan. Ang paglalaro ng balibol ay kinahiligan ko na at ito rin ang nagtatanggal ng lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag kung paano io ano ang mga nangyayari sa bawat laro ko, pero isa lamang ang alam ko, na masaya ako at pagkatapos nito magkakaibigan na tayo. Nang dahil din sa aking paglalaro, marami na akong lugar na nadayo malayo man o malapit, basta pwedi ako maglalaro ako. Sa tingin ko isa yun sa mga naging dahilan kung bakit marami na rin akong naging kaibigan. Babae man o lalaki walang kaso ang mahala sa court nagkakasundo tayo. Wala na akong magagwa kundi magpadala sa bagay na bumubuo ng araw ko at mga bagay na nagiging dahilan ng pagiging masaya ko at pagkawala ng sakit at galit sa nararamdaman ko.
OP.4
560 EM'S BO. Tejeros, Convention
Rosario, Cavite
Ika-3 ng Agosto 2023
Gng. A
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento