Linggo, Marso 11, 2018

Sekwensiyal na Sintesis


Op.4
Sekwensiyal na Sintesis

Ang Paaralang Saint Augustine School
Una:
Ang paaralang “Saint Augustine School of Tanza” o San Agustin ay natagpuan noong pebrero 14, 1969. Ito ay natagpuan ni Monsignor Francisco V. Domingo, na siya ring “Parish Priest” noong panahon na yon. Nung unang taon nito, mayroon lamang silang 44 na estudiyante at ang guro nila ay dalawa. Sa paglipas ng panahon unti-unti itong yumayabong hanggang makumpleto ito noong 1972, kasunod pa nito ang “Basketball court”.

Pangalawa:
                Ang pagtatagumpay ng paaralan sa bawat taon, ay nagging sanhi upang maging kabahagi ang SAS sa DeLa Salle. Sinimulan ito noong 1970, at itinayo sa kaliwang bahagi ng simbahan. Noong panahon na yon ay may maliit na silid-aralan. Sa petsa 1971 naman ay nagkaroon na ng gusali para sa mga “highschool” na itinayo naman sa likod ng simbahan. Ang kabuuhang kontraksyon ay natapos noong 1972.

Pangatlo:  
                Ang logo ng SAS ay ginawa at dinisenyo ni Norgin Molina, estudiyente noong 1988. Ang salita sa loob nito ay “Latin”.  SI POSSUNT CUR NON EGO, (If they can, why can’t I) ang ibig sabihin nito. Kilala din ito bilang kasabihan ni Saint Augustine of Hippo, at ng paaralan.  Ito ay nangangarap ng tapat na bayan ng Diyos. May tatlo itong aspeto na Virtus (virtues); Patria (country); at Scientia (knowledge). Ang bilog ay simbolo ng “pagkakaisa at ang ribbon sa ibaba ang suporta, kooperasyon ng mga adminitrasyon, faculty, estudiyante, magulang , at ang komunidad. Ang kabuuhan nito ay naghahangad na ihubog ang tao para sa magandang bansa at mas magandang mundo.

Cedrick John T. Vitto

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento