Angelo Arpon

OP#1: Importansya ng sulatin



             Ang pagsulat ay isang mahalagang proseso na kinakailangan ng mataas na antas ng kaalaman at abilidad. It ay kalimintan kapupulutang ng aral at kamalayan ng isang mambabasa. Mahalagang naihahayag ng manunulat ang kanyang ideya upang ang mambabasa ay hindi mawalan ng interes sa kanyang sulat. 

             Nabibig din dapat ng pasin ng manunulat ang kahalagahan ng inilathang sulat. Ang isang mahalagang bahagi ng pagsulat ay ang mahikayat ng manunulat ang mambabasa at maipaalam ang damdamin nya mula sa nabasang sulat. Ang kahalagahan ng pagsulat ay naihahayad ng tao ang kaniyang sa loobin at damdamin upang ang nagawang pagsulat ay maging isang makabuluhang sulat na kapupulutan ng impormasyon at hindi manlibang lamang. Nabibilang ang pagsulat sa isang mataas na antas na pamantayan sa palilinang ng kakayahang umunawa at komunikasyon.



OP#2 Deskriptibong Abstrak
“Ang Namamayaning Tunguhin at Estetika sa Panitikang Pambata ng Pilipinas”

        Sa kasalukuyan, Pinakamaunlad na anyo ng panitikang Filipino ang mga akdang pambata. May simplistikong paniniwalang maunlad ito dahil maraming bata sa bansa. Bawat taon maraming sanggol ang isinisilang na magiging potensyal na mambabasa ng mga aklat. Gnunpaman ,nanatiling problema sa lipunan ang kultura ng pagbabasa at ang makalikha ng henerasyon ng mga mambabasang akda ng Filipino. Dagdag pa , suliranin din ang makipagtagisan sa mga banyagang babasahin; ang pagdagsa ng mga segundamanong aklat at ng mga “remainder” , at ang mataas na presyo ng mga mainam at de-kalibreng aklat na lokal. Masasabi na ang pagunlad  ng lokal na aklat  ay higit panating pagyamanin. Dumarami na ang mga akalat , at estabilisado ang mga pamantayan sa pagsulat, pagguhit, at maging ang pagaaral at pagsusuri ng mga panitikan para sa bata. Layon ng  sanaysay na ito na makapaglatag ng mga mungkahi ng Filipino at makabagong estetika sa panitikang pambata, lalo pa’t ang anyong ito’y pamana ng kolonisasyon at edukasyong banyaga sa ating lipunan. Idagdag pa ang namamayaning suliranin ng komersyal na paglalatha na salik sa produsyon ng paulit-ulit , dekahon, at  mahinang uri ng muling pagsasalaysay at orihinal na pagkukwento.


OP#3 Kronolohikal

“Titser Annie”



  Nagumpisa ang buhay ni titser Annie sa  Mindoro Oryental sa dokomentadong paglalahad ng “I witness”. Mula sa paglalakad ng kilo-kilo metrong layo patungo sa Sityo Labo. Tinatawid ng Guro ang labinganim na ilog upang matulungan din ang mga mangyan na naninirahan sa magubat na bayan. Kadalasan nakakasabay niya ang mga estudyante patungo sa paaralan na inaabot ng mahigit sa isang oras, Nagtuturo ng klase sa matatanda ng libre. Nabanggit din ang buahy ng isang istudyanteng kapus sa buhay na si Dina malubha ang sakit ng kanyang ina at ang kanyang ama namay pumanaw na. Tumayo syang maggulang sa kanilang pamilya. Nagkakaroon sya ng pagliban ng klase upang magtrabaho sa para sa pamilaya, tatlong araw lang ang pinapasok nya sa isang linggo. Ito upang matulungan ang kaniyang ina sa pagbili ng gamot. Tumutulong din rito ang Guro sa pagbili ng gamot ng ina ng istudyante, samantala binigyan ng “promotion” ang Guro ililipat na siya ng ibang lugar upang magturo  at lilisanin na ang sityo Labo, ngunit napamahal na ang Guro sa mga mamayan roon at pinagpatuloy niya ang patuturo sa mga mangyan at ipinagpaliban ang pag alis .


OP #4 : Sintesis ( Kronolohikal )

“ Kasaysayan ng Saint Augustine School “

               Itinatag ang paaralan ng San Augustin mula sa pangalan ng patron ng bayan na si San Agustin o maskilala sa tawag na Tata Usteng. Itinayo noong pebrero 14,1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo na dating pari noong panahon iyon.

               Ito ay itinatag upang magbigay ng maskalidad na edukasyon na nakasentro kay Kristo, Nagsimula itong buksan noong Hunyo, 1969 na may roong “Kinder” at “Grade 1 classes”. Naging unang punung guro na si Sr.Angeles Gabutina, AR na nagsilbi lang nang  maiksing panahonpagkalipas ng tatlong buwan ay sumunod na si Sr. Clemencia Ranin.

               Mula sa pamumuno ng  “ De la Salle “ naging matagumpay ang naging resulta ng operasyon ng paaralan. Dahil sa pagdaan ng panahon ito’y patuloy na umaangat at nabuo ang  “Senior High School “ na naitatag noong Hunyo , 2016        na nabubuo ng ibat ibang akademikong aralin, ang mga ito ay STEM , ABM,at  HUMMS upang dito ay mapalawak pa ang kaalaman ng bawat istudyante . Dito mahuhubog ang kaalaman ng bawat mag aaral ng paaralang San Agustin tungo sa kanilang kukuhaing kurso.



OP # 5 : BIONOTE
                      
                        Si Angelo B. Arpon ay pinanganak at lumaki sa Rosario  Cavite, siya ay nagtapos ng ika-anim na baitang sa Tejeros Convention Elementary School. Natapos naman niya ang ika-sampong baitang sa paaralan ng Rosario National  High School. Siya ay kasalukuyang nagaaral sa SAS sa baitang bilalang labingdalawa.
                       Ang mga kanyang kinawiwilihan asignatura ay Agham. Ang kanya namang kinuhang  “Strand “ at “ STEM” at ito ay kasalukuyang tinatapos sa  paaralang ng “St. Augustine Senior High School” siya ay mahilig sa pagluluto ng iba’t ibang putahi.



OP #6 : TALUMPATI 


“DAKILANG AMA”
Mula sa mahabang panahong nagdaan ,paano nga ba sisimulan? Kung paano nya ako inaruga , kung saan siya ang may gawa , lahat na nga yata ng pagsasakripisyo ay kinuha para sa kalayaan kong tinatamasa. Ama salamat sa iyong ginawa kulang tong aking kinathang talata. Sa iyong ginawang pagaaruga , kung saan ikay dinungisan ,sinaktan ,at hinamak. Ngunit sa kabila ng lahat Ikay nagpatawad at naghatid ng paibig na dimatatawaran, Pag-ibig na ninais pagbukludin ang lahat. Ito ay para sayo Dakilang Ama.
Kathang nasulat bilang pasasalamat, dahil tulad ng isang ibong malaya, ganun mo ipinaklita ang pagmamahal na natatangi sa daidig. Ama sa lamat sa lahat ng iyong ginawa. Nagiisang ikaw ang dakilka kaya hinihingi ko ang inyong kapatawaran sa lahat ng pagkakamaling nagwa. Dakila ka aming Ama.



OP #7 : PAGSULAT NG POSESYONG PAPEL


                    Ang buhay ng tao  ay mahalaga, hindi kailangan sa maling pamamaraan ng papapatakbo ng sasakyan ito ay mawala. Marapat lamang na sundin ang batas trapiko mag suot ng mainam na proteksyon sa katawan o ( seat belts ) upang ang aksidente ay mabawasan. Labag sa ating batas trapiko ang pagpapatakbo ng sasakyan ng lampas sa tamang bilang ng sakay, ito ay napatupad dahil na rin sa  mga maling pamamaraan ng pagpapatakbo ng mga motor at iba pang sasakyan. Bilang isang marunong na  “ DRIVER “ marapat lamang pahalagan ang buhay ng iba. Huwag abusuhin ang batas trapiko upang ang bawat isa ay maging ligtas sa anumang kapahamakan.

                                                                   FINALS



OP #1 : PAGSULAT NG REPLEKTIBONGSANAYSAY



NATATANGING KARANASAN

                 Nagumpisa ito kung saan paano ako naloko , nawalan ng panahon upang magbago, simula ng pagtungtung ng unang taon sa mataas na paaralan ng Rosario. Dito ako natuliro ang sip ay gulong-gulo tla ba para akong isang bata na hindi alam kung saan tutungo. Nagsimulang lumiban sa klase at nagloko natuto  maglaro ng  “online games “ na tila ba walang napapansing gutom, kundi ang pagkaaliw lamang.nagpatulo ang taon at wala na akong natutuhan hanggang dumating ang araw ng pagtatapos ng klase ng taon at ako sa hindi inaasahang  pangyayari  ay pumasa dahil sa pagmamakaawa ng aking ina. Ako ay nahiya  at natakot sa aking mga maling nagawa, napatigil ako sa pagaaral.

                Lumipas ang dalawang taon na hindi ako nagaral labing anim na ako ng tumungtung  sa ikalawang taon sa mataaas na paaralanng Rosario. Dito muli ay unti –unti binuo ang nasira kong pangako na makapagtapos at umangat sa buhay. Natutuhan kong maging matiyaga at magpursiging makatapos. Dito ko naranasan ang saya ng pagpasok sa paaralan at lalo pa akong ginanahan dahil sa inspirasyonna kamagaral . “ako ay hindi naliliban pang muli  “ yaan ang salitang pumasok sa aking isipan upang magpatuloy pang muli.





                 Nagumpisa akong muli hindi dahil ito ay kailangan kundi , dahil ito ang nararapat. Ngayon ko nararanasan ang tunay na saya at hirap ngunit ang mahalaga ay ang iyong didikasyon na makatapos sa pagaaral. Aabutin ang pangarap sa buhay kahit mahirap  kailangan lang magpursigi at ito ay masusuklian ng tunay na ligya.



OP# 2: PAGSULAT NG LAKBAY SANAYSAY
“ Pagsapit ng Sabado “





                       




                   Tuwing sasapit ang sabado naghahanda na ako upang magtungo sa ibat ibang bayan dito sa Cavite, noong Pebrero 3 taong kasalukuyan ako ay nagtungo sa bayan ng Maragondun. Ito ay kapanapanabikdahil bisikleta lang ang aking gamit.
Hindi alintana ang lamig na dulot ng mahamog na umaga mapuntahan lang ang lugar na tila ba paraiso sa ganda. Bawat padyak ay may dulot na saya na bibihira ko lang maranasan. Talagang nakakalibang bawat sandali,subalit may pagkakataon rin na ang gulong ng aking bisikleta ay nabubutas din dito ko naranasan ang magtanggal at magkabit nang nabutas na gulong at magpatuloy muli. Nakakapagod at nakakangalay ngunit hinding hindi mawawala  ang ngiti na napapawi pagnarating na  bayan ng Maragondon.

Hindi nasusukat sa ang saya sa layo ng lugar na iyong nalakbay kundi sa bawat pagsubok na iyong napagdaanan habang ikay naglalakbay. Ito ang aking natutuhan habang ako ay patungo sa iba’t ibang lugar .






OP#3 : PICTORIAL ESSAY



“ Dito mo mararanasan ang hirap at pagod. Pero hindi parin matutumbasan ng hirap ang ngiti ng bawat isa. “



                                                       “ Kuha mula sa rebulto ng iniidulo ko. “






                      “ Hindi alintana ang hirap at pagod makapunta lang sa lugar na aming gusto. “


OP#4:


Angelo B. Arpon
684, Em’s Barrio,
Rosario, Cvite,
Email: angelo.arpon2626@gmail.com



EDUKASYON


Institusyon                                               Tinapos                                                                    Petsa
Saint Augustine School                           Senior High School                                                  Abril 2018
Rosario National High   School                 Junior High School                                                  Marso 2016
Tejeros, Convention, Elementary School   Elementarya                                                             Marso 2012



MGA LAYUNIN SA BUHAY
·                     Naisasagawanangmaayos at malinisangtungkulin
·                     Nagkakaroonnangmabutingpakikipag-ugnayansakapwa
MGA KARANGALANG NATAMO
·                     Nagkampyon sa CAT (Citizenship Advancenment training) 2016

SANGGUNIAN

GinoongLisandroPunay
Chemical Engineer
Tanza, Cavite



                   Ipinapahayagkonaanglahatngakingimpormasyonnanatapossaitaas ay totoo at tama saabotngakingkaalaman at paniniwala.


                                                                                                                                                (pirma)
                                                                                                                                          Angelo Arpon
                                                                                                                          

OP#5:

684 Em’s Barrio
Rosario, Cavite
Ika-26 ng Abril 2018
G.ODIRBIL LUIGNAS
Manager
Chin-ching Metal
Rosario, Cavite
Mahal na Ginoong Luignas:
             Pagbati !
                     Ako po si Angelo Arpon na natapos ng sekundarya sa Rosario National High School. Nais ko pong magaplay ng trabaho sa inyong magandangkumpanya bilang Machine Operator o anumang posisyong nauukol sa aking natapos.
Ang pagiging working student ay aking maipagmamalakiupang makasiguro na ako ay matiyaga at handang balikatinang trabahong naitas sa akin ng maayos.

                                                                                                                            Lubos na sumasainyo,
                                        
                                                                                                                                    (pirma)
                                                                                                                            ANGELO ARPON


OP#6:


684 Em’s Barrio
Rosario, Cavite
Ika-26 ng Abril 2018
G.ODIRBIL LUIGNAS
Manager
Chin-ching Metal
Rosario, Cavite
           Mahal na Ginoong Luignas :
                         Pagbati !
                                 Ako po si Angelo Arpon na napapasalamat sa pagtanggap sa inyong kompanya bilang isa inyong machine operatar. Lubos po akong nagagalak at ako ay inyong tinanggap at akin pong pasisikapan na matugunan ang bawat hinihingi ng inyong tanggapan.
 Muli maraming salamat po sa inyong pagtugon.
                       
                                                                                                              Lubos na sumasainyo,
                                                                                                               ( Pirma )
                                                                                                              Aangelo Arpon




OP#7

OP#8

Panukalang Proyektong Pang-negosyo: Palamig sa Tag-init
Proponent ng Proyekto: Angelo Arpon
                                          Mary Michellyn Ilustre
                                          Lency May Ramos
                                          Precious Ann Santillan
                                          Darrik Martin Serrano
                                          Cedrick John Vitto
                                          Saint Augustine School- Senior High
                                          Daang Amaya II, Tanza, Cavite
Kategorya ng Proyekto: Pangkabuhayan sa panahon ng bakasyon na mainit ang panahon
                                          mula Abril hanggang Mayo
Rasyonal ng Proyekto: 
            Ang sobrang init na panahon ay alam nating nakaka pag-init din ng ulo at ito rin ay may masamang epekto sa kalusugan. Kung kaya’t narito ang mga pagkaing maaaring makapag pawi ng init na nararamdaman ito ay; Halo-halo, Saging con Yelo, Mais con Yelo.
            Malaki ang maaring maitulong nito sa mga tao lalo na sa mga kabataan panahon ng bakasyon.  Mas mabuting habang nasa murang edad pa ay matuto ng kumita at mag-ipon. Magandang pagkakataon ang pagkakaroon ng maliit na negosyo upang kumita at makaroon ng ipon habang bakasyon.
Deskripsiyon ng Proyekto:
Masarap at matamis na pamatid sa uhaw ,at palamig at pampawi ng init na nararamdaman.
Narito ang pagsasagawa ng Palamig sa Tag-init.
Haluhalo
            1. Mga sangkap:
» Pinong yelo
» Evaporated Milk
» Asukal
» Ube
» Gulaman
» Minatamis na saging (naka hiwa sa maliit na piraso)
» Minatamis na sago
» Pinipig
» Minatamis na beans
» Langka
2. Pagsama-samahin ang mga sangkap na ito sa isang malaking baso o mangkok.
3. Ilagay ang pinong yelo sa taas.
4. Ilagay ang evaporated milk at langka sa ibabaw.

Saging con Yelo
            1. Mga sangkap:
                        » Asukal
» Pinong Yelo
» Minatamis na saging (naka hiwa sa maliit na piraso)
» Evaporated milk
            2. Unag ilagay ang minatamis na saging at sunod na ilagay ang asukal.
            3. Ilagay ang pinong yelo.
            4. Lagyan ng evaporated milk.

Mais con Yelo
            1. Mga sangkap
                        » Asukal
» Mais
» Pinong yelo
» Evaporated milk
            2. Ilagay ang mais kasunod ang asukal.
            3. Ilagay ang yelo.
            4. Lagyan ng evaporated milk.







Badyet ng Kinakailangang Puhunan (sa PHP)
Gatas, asukal at mga halo
1,300.00
Saging
300.00
Mais
500.00
Tupperware na lalagyan ng mga sangkap
500.00
Electric ice shaver
1,500
Kabuoang Halaga
4,100.00

Pagpapalagay:
            » Ipagpalagay na 65 na araw magtitinda ng Haluhalo, Saging con Yelo, at Mais con Yelo.
            » Ang halaga ng bawat isa ay 20 pesos
            » Nakakabenta ng 30 basong Haluhalo, Saging con Yelo, at Mais con Yelo sa bawat ara.
            » Sa isang araw ay may kita na 30 × 20 = 600 pesos.
            » Samakatuwid ang kinita mo sa 40 na araw × 600 pesos = 24,000.00 piso.
            » Ipagpalagay mo na alisin ang 4,500.00 piso sa 24,000.00 = 19,500.00

» Ang kinita mo sa iyong pagtitinda ay 19, 500.00 piso.

OP#9

March 08, 2018

GINOONG YURI A. PACUMIO
Mayor
Tanza, Cavite

Mahal naming Mayor:

Magandang araw po!

Kami po ay mga mag-aaral mula sa St. Augustine Senior High School. Alam po naming na ang bayan ng Tanza po ang isa sa mga pinakamaayos na bayan sa ating lalawigan. Dahil dito, nais po namin magpaalam sa aming pagtatayo ng isang food stand. Ang proyektong ito ay gaganapin mula Abril hangang Mayo. 

Plano po naming ang magtitinda ng mga sari-saring pagkain tulad ng halo-halo, mais con yelo,at saging con yelo. Sana po ay magustuhan ninyo ang aming inihaing proyekto at lubos po kaming umaasa na pahihintulutan ito sapagkat kami po ay nagnanais na magkaroon ng negosyo at matutong kumita sa murang edad pa lamang.

Sana ay paunlakan po ninyo itong aming liham. Maraming salamat po sa inyong pagsupporta. Pagpalain po kayo ng ating Diyos.

Lubos na sumasainyo,

      (pirma)
Cedrick John Vitto
Lider
Saint Augustine Senior High School 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento