Michellyn Ilustre

OP#1

 Kahalagahan ng Akademikong Sulatin
  
     Ang akademikong sulatin ay isang masinop at sistematikong sulatin ukol sa isang karanasang panlipunan na maari pang maging batayan ng marami pang pag aaral na magagamit sa pagtaguyod ng lipunan. Ang karaniwang estrutura ng isang akademikong sulatin ay may simula na naglalaman ng introduksyon, gitna na naglalaman ng paliwanag at wakas na naglalaman ng resolusyon, konklusyon at rekomendasyon.

     Sa panahon natin ngayon nalilimutan na natin kung papaano nga ba ang wastong pagsulat ng akademikong sulatin kung kaya't nahihirapan tayo sa pagsulat ng mga ito. Mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng akademikong sulatin upang magkaroon ng sapat na kaalaman kung papaano nga ba ang wastong pagsulat ng mga ito. Kung ikaw ang manunulat maihahayag mo nang maayos ang nais mong iparating sa mga babasa nito.

     Marapat lamang na pag aralan at magkaroon ng sapat na kaalaman kung papaano ang pagsulat nito. Papaano na lamang kung hindi tayo maalam sa pagsulat ng akademikong sulatin? Maaaring hindi natin maihahayag ng wasto ang ating sarili sa paraan ng pagsulat at maaari din na hindi ito madaling mauunawaan. Kung kaya't dapat nating aralin ito.


OP#2

Karanasan ng Isang Batang Ina:
Isang Pananaliksik



 Ang pananaliksik naito ay isinagawa upang malaman ang mga pinagdaraanan ng mga batang
ina sa kanilang murang edad sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, 
relasyonal, at sosyal. Ang mga mananaliksik ay pumili ng mga respondente base sa kanilang 
kakayahan. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo’t lima (35) na batang ina na may edad
 na labing dalawa hanggang labingwalo na matutugpuan sa Sta. Rosa Alaminos, 
Laguna. Ito ay sumailalaim sa Quantitative method kung saan gumamit ng sarbey na metodo 
na nakalahad kung maari nilang sagutan ang mga tanong sa “survey questionnaire.” ang resulta
 ay walng pagkakaiba ang mean score ng anim na aspeto o salik aton sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak, at ayon sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o pinagpatuloy 
ang kanilang pagaaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik
 o aspeto ayon sa estadong marital.



OP#3

Titser Annie


    Sa unang bahagi ng dokumentaryo ay naglalakad at tinatahak ni titser Annie ang daan patungo sa liblib na lugar
 na aakalain mong wala nang naninirahan dito at kasam niya si Kara David upang maidokumentaryo ang kanyang
 kakaiba at nakakamanghang kwento.


     Tinatahak ni titser Annie lingolinggo ang labinganim na ilog at isang oras na paglalakadupang marating ang 
Sityo Labo kung saan malayo sa kasarinlan at ramdam ang hirap ng pamumuhay.


Nang marating na nila ang Sityo Labo matapos ang mahabang paglalakad ay matatanaw mo ang mga kabataang
 tila hindi dama ang kahirapan sa kanilang pamumuhay dahil sa mga ngiting namumutawi sa kanilang mga
 mukha habang tinatawag ang kanilang titser Annie.


Dahil sa hirap ng buhay sa Sityo Labo ay hindi ka mag kakaroon ng malinis na tubig  kung hindi mo ito paghihirapang igibin. Sa oras ng pagtuturo ni titser Annie ay napansin ni Kara ang isang dalagitang nag ngangalang Dina na naka upo sa bandang likuran. Siya ay dalawampung taong gulang.

Hindi pa natatapos ang oras ng klase ay nag paalam na si Dina kay titser Annie upang umuwi at sinundan naman siya ni Kara kung saan nakarating sila sa tahanan nito at natagpuan ang kaniyang ina na dahilanng kanyang pag-uwi dahil ang kanyangina ay may sakit na pneumonia at buoto’t balat na. Matapos pumanaw ng kaniyang ama, si Dina bilang panaganayay tumayo bilang ama sa kanilang pamilya. Angkanilang tanging pinagkakakitaan ay ay ang 
Sagingan kung saan si Dina ay naglalakad ng napakalayo upang ihatid sa pagbebentahan niyang saba. Nang makarating na sila ay tanging isang daan at apat na pu’t tatlong piso lamang ang kaniyang nakuhaat napag disisyunan na lamang na ibili ito ng antibiotic na gamot ngunit dalawang tableta lamang ang inabot nito.


Ibinalta ng DepEd kay titser Annie na maari na siyang lumipat ng paaralan sa mababang lugar ngunit tinanggihan niya ito at ninais na ipagpatuloy angpagtuturo sa mga mangyan dahil na rin sa kaniyang nabuong pagmamahal   at malasakit sa mga ito. Kahit na gaano kahirap mas nangibabaw kay titser Annie na manatili dahil ang mga taong ito ay mayaman sa malasakit.

OP#4

Kasaysayan ng Paaralang San Agustin

Ang paaralang San Agustin o Saint Augustine School ay unang itinatag ni Monsignor 
Francisco V. Domingo noong Pebrero 14, 1969 na noo’y pari ng simbahan. Ang paaralan ay hinango ngalan ng patron na si Saint Augustine na kilala din sa ngalang “Tata Usteng”. Ang hangad ng paaralang ito ay magandang kalidad at pang kristyanong edukasyon.

Noong Hunyo 1969 nagsimula itong magturo ng kinder at grade one. Si Sr. Angeles Gabutina ang unang principal nito na nagtagal ng dalawang buwan at sinunda naman ni Sr. Clemencia Ranin.

Ang sistema ng edukasyon ng Saint Augustine ay sumasailalim sa ng Dela 
Salle, makaraan ng isang taon naitayo ang isang building sa kaliwang bahagi ng simbahan. Isang building din naman ang itinayo para sa high school na nagtapos noong 1971 at sinundannaman ito ng covered court.

Noong 1971 ang naging principal naman ay si Sr. Matilde ng dalawang taon at noong 
S.Y. 1972-1973 ay si Ma. Leonora ay naging principal naman ng elemementary. Noong 
1972-1976 naman ay naging principal naman si Miss Patrocinio San Juan.

Noong 1975 ay nagretayr si Monsignor Francicsco V. Domingo sa pagiging parish priest at school director ni pinalitan ni Fr. Luciano Paguilinan na nagpabago sa administrasyon ng 
SAS.

Noong 1977 pilitan ni Fr. Corsie Legaspi si Miss San Juan. Si Teresita Octavio naman ang naging principal noong 1979-1980 at pinalitan si Miss Julieta Hernandez noong 1980-1989 at simula 1989 hanggang ngayon ay si Mercedita Pacumio.


OP#5


Si Mary Michellyn M. Ilustre ay tubong Rosario, Cavite. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Saint Augustine School Senior High Campus na matatagpuan sa Tanza, Cavite. Siya ay 
nasa ika-labindalawang baitang STEM 3 na malapit ng magtapos ng high school. Nagtapos siya ng elementarya sa paaralan ng Rosario Elementary School at nagnanais na maging isang 
Medical Technologist balang araw dahil hilig niya ang science. Kasalukuyan din siyang nagsisilbi sa simbahan bilang miyembro ng isang koro.


OP#6


PUSO

Sa paglipas ng panahon, takot ata pangangamba ang aking nadarama, ngunit sa iyo’y tilawala lamang. Mga panahon at oras na dapat pahalagahan at gawing makabuluhan. Ang tadhana ang siyang nagpasya. Nagpasya na pagkaitan ka, na tila ba ninais ko na rin na maghati na lamang tayong dalawa upang mahibsan ang bawat pasakit. Pasakit na sa tuwing nakikita kitang nahihirapan ay ganoon din ang aking nararamdaman. Sa tuwing nag kukwento ka ng mga pangarap mo ay naiiyak ako dahil walang kasiguraduhan na makakamit mo pa ito dahil 
pinagkaitan kana nga ng panahon at oras ng tadhana. Ngunit hinaharap mo parin ito ng buong tapang at walang pag aalinlangan. Ang pusong matapang ngunit may kahinaan. May kahinaan dahil sa isang seryosong kumplikasyon na tila ba walang solusyon. Ngunit sa lahat ng ito naririto parin ako aking kaibigan. Gagawin nating makabuluhan ang bawat oras ng iyong buhay. Tutulingankita, tutulingan kitang maging masaya kahit sa mga huling sandali ng ligaya. Sa pagitan ng una at dulo, simula at wakas at ng buhay at kamatayan.


OP#7


Paghahanda sa Pagdating ni Kristo

Ang pasko ay ang pinakamahalagang okasyon sa buong taon para sa mga Kristyanong Pinoy. Bago pa sumapit ang adbiyento ay mayroon nang mga nangangaroling, mga parol na nakasabit sa bawat bahay at malalaking “christmas tree”. May mga ipinagdiriwang din na mga piyesta sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas tulad ng “Giant Lantern Competition”sa SanFernando, Pampanga, “Belenismo” sa Tarlac, at “Silahis ng Pasko Mardi Gras” sa Baguio City. Ngunit sa lahat ng ito ang pasko ay isa ring relihiyosong okasyon. Ito hindi lamang ipinagdiriwang kasama ang mga magagarbong mga ilaw, tugtugan, caroling, parties at iba pa na madalas na nagiging dahilan kung bakit nakakalimutan ang tunay na dahilan ng okasyon na ito. Alam nating isa itong “Festive Season” para sa mga Pinoy ngunit hindi natin dapat kalimutan na ang paskorin ay ang araw ng pagsilang kay Hesukristo na nagpabago sa ating mundo.



FINALS

OP#1



Natatanging Karanasan ng Isang Mag-aaral

Isa sapinaka mahalagang bahagi ng buhay ng tao ang pagiging isang mag-aaral. Ang pagigingmag-aaral ay maaring magingmahirap ngunit makatutulong naman ito upang tayo’y magkaroon ng kaalaman at magandang kinabukasan na nianais ng bawat tao.

Naalala ko noong nagpumilit ako sa aking ina na gusto ko ring pumasok  sa paaralan noong ako’y tatlong tong gulang pa lamang  dahil nakikita ko ang aking kuya na pumapasok sapaaralan, kung kaya’t dalawang taon ako sa kindergarten. Noong mga panahong iyon ay labis pa akong natutuwa  dahil bata pa lamang, ngunit nang ako’y tumungtong na sa sekundarya  o high school dito na mas naging makabuluhan ang lahat. Dito nangyari ang mga bagay na hindi mo/ko inaasahan tulad ng napabilang ako sa larong arnis ng aming paaralan, kasabay nitoay naging pangalawa ako sa may mga nakuhang mataas na marka sa aming classroom at hindi natanggal sa listahan ng mga ito sa mga sumunod na taon. Marami ring naganap na habulan, hindi literal na habulan ngunit habulan ng pagpasa ng mga kinakailangan at paghabol sa mga guro sa kasagsagan ng clearance dahil sila ay nagtatago na. May roon ding prom night na
isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng pagiging mag-aaral. Mga kaibigan na handa ka ring damayan sa panahon ng kagipitan at pagdurusa. Mga gurong nag silbing ina at ama.

Sa lahat ng ito. Iba’t-ibang tao man ang nakasalamuha mo, iba’t-ibang pagsubok na kinaharap mo at iba’t-ibang karanasan ang mararanasan mo, ang pinaka mahalaga ay ang lahat ng natutuhan o matututuhan mo salahat ng aspetong ito, dahil ang pagiging isang mag-aaral ay hindi lamang sa paaralan ngunit sa pang araw-araw rin na pamumuhay. Ang pagiging mag-aaralay mahirap ngunit mas masaya at isa sa pinkamahalagang parte ng iyong buhay.


OP#2
Image may contain: Mary Michellyn Ilustre, standing, ocean, sky, outdoor, nature and water

PROBINSYA

Noong taon ng 2014, isa ito sa mga bagay na hindi ko malilimutan. Isang paglalakbay sa Ilo-ilo na kinalakihan ng aking ina. Pagkatungtong ko sa lupain ng probinsiyang ito ay nalanghap ko na ang sariwang hangin na ibang-iba sa Cavite. Malinis na kapaligiran lalo na ang kanilang karagatan. Karagatan na tila ba takot ang bawat indibidwal na magtapon kahit balat ng kendi rito. Noong matikman ko ang isada  sa lugar na ito ay natuwa ako dahil malalasahan mo ang kakaibang tamis  sa bawat pagnguya nito. Hangin na tila ba inaakap ka sa tuwing paghihip nito. Napaka gandang bakasyunan. Nakilala ko rin ang aming ibang kamag-anak, mayroon silang mga puno ng mangga na maaring pumitas kahit anong oras. Kay sarap naman talaga sa pakiramdam na namamatyagan ko ang ang pagsikat ng araw at pagtama ng sikat nito
sa karagatan at alon na tinatawag ka na para bang sinasabi nitong “Halika at languyin ako”. 
Matapos ang ilang linggo ay kailangan narin naming bumalik sa Cavite. Kailangan ko nang mamaalam. Ngunit nangangako akong babalikan ko ito.



OP#3



Sa bawat larangan maaring makatanggap tayo ng pagkatalo at pagkapanalo. Hindi sa lahat ng bagay ay mananatili tayong nasa tuktok ng tagumpay kung kaya’t marapat na malawak ang iyong pang unawa at marunong tumanggap kung anuman ang magiging resulta ng iyong pinaghirapan.

Sa likod ng aming mga ngiti ay nagtatago ang kaba na aming nadarama dahilito ay provincial meet na kung saan nag mula sa iba’t-ibang lugar ang aming makakalaban. Masasabi nating mahirap ang lahat ng patimpalak at isports ngunit ang paglalaro ng arnis ay mas mahirap dahil isa itong combative sport, kung saan pisikalan ang labanan. Matinding pagsasanay at disiplina ang kinakailangan . Halos pasa at sugat na ang inaabot ngunit nag pupursigi parin, iyan ang tanda na mahal at gusto mo talaga ang iyong ginagawa. Kung kaya’t tanggap naminkung ano ang nararapat.

Sa lahat ng bagay o oras tayo’y hindi laging bida. Maaaring madapa ngunit kailangang bumangon at gawin itong inspirasyon na huhubog pa sa iyo upang mas mahusay. Madadapa lang ngunit hindi susuko.



OP#4


Mary Michellyn M. Ilustre
180 Cotabato Street
 Rosario, Cavite
E-mail: imarymichellyn@gmail,com



EDUKASYON
       Institusyon                                      Tinapos                                                                    Petsa
    Emilio Aguinaldo College              Bachelor of Science in Medical Technology           Hunyo 2022
    Saint Augustine School                  Senior High School                                                  Abril 2018
    Rosario National High School       Junior High School                                                  Marso 2016
    Rosario Elementary School            Elementarya                                                             Marso 2012

        PROPESYONALISMONG KARANASAN
       Institusyon                                      Posisyon                                                                   Petsa
       Divine Grace Medical Center         Medical Technologist                                              2023-2027


       MGA LAYUNIN SA BUHAY
  • Naisasagawa ng maayos ang mga Gawain ng nasa tamang oras
  • Naiaangkop ang ugali sa loob at labas ng trabaho

       SAMAHANG KINABIBILANGAN
        Miyembro, Vocales Angelorum Chorale

       SANGGUNIAN

       Claudine Caliwliw
       Medical Technologist
       Canada
       Telepono: (046) 997-101


             Ipinapahayag ko na ang lahat ng aking impormasyon na natapos sa itaas ay totoo at tama sa abot ng aking kaalaman at paniniwala.
                                                                                                                       (pirma)
                                                                                                        Mary Michellyn M. Ilustre






OP#5


180 Cotabato Street    
Rosario, Cavite       
Ika-20 ng Pebrero 2028


Gng. KELLY MANGALINDAN
CEO
St. Luke’s Medical Center
Quezon, City


Mahal na Gng. Mangalindan:

Magandang araw po sa inyo!

Ako po si Mary Michellyn M. Ilustre, nagtapos ng Bachelor of Science in Medical Technology sa Emilio Aguinaldo College taong 2022. Nais ko po sanang mag-aplay sa inyong mabuting tanggapan bilang Medical Technologist o anumang posisyong nauukol sa aking kurso.

Ang pagiging iskolar na estudyante ay aking  lubos na ikinararangal upang makasiguro kayo na ako po ay masipag at matiyaga. Handang gampanan ang anumang responsibilidad na iaatang sa akin ng inyong kompanya.

Maramimg salamat po sa inyong pagtugon.









Lubos na gumagalang,    
(Lagda)                 
Bb. Mary Michellyn M. Ilustre





OP#6


180 Cotabato Street    
Rosario, Cavite       
Ika-2 ng Marso 2028


Gng. KELLY MANGALINDAN
CEO
St. Luke’s Medical Center
Quezon, City


Mahal na Gng. Mangalindan,

       Pagbati!

       Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong pagtitiwala at pagtanggap sa akin bilang isang Medical Technologist ng inyong ospital.

       Nakasisiguro po kayong gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang mas mapadali at mas mapabuti ang nakaatas sa aking tungkulin.

       Maraming salamat po.







Lubos na gumagalang,    
(Lagda)                 
Bb. Mary Michellyn M. Ilustre




OP#7


PETSA: Marso 05, 2018
PARA SA: DADALO NG SENIORS BALL
RE: BUWANANG PULONG
MULA SA: PANGKAT 3 NG GRADE 12 – STEM 3

Ipinapaalam sa lahat ng dadalo ng Seniors Ball na ang buwanang pagpupulong ay gaganapin sa ika-06 ng Marso, 2018 sa ganap na 1:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon sa silid-aklatan ng paaralan ng San Augustine-SHS.

AGENDA
1. Pagsisimula
2. Pananalangin
3. Pagpapaliwanag ng gaganapin na pagdiriwang
4. Pagtala ng petsa ng Seniors Ball
5. Paggawa ng liham paanyaya
6. Pagtatalaga ng komiti
7. Paghingi ng iba pang opinion
8. Pagrerebyu ng pinagpulungan
9. Pagwawakas

OP#8

Panukalang Proyektong Pang-negosyo: Palamig sa Tag-init
Proponent ng Proyekto: Angelo Arpon
                                          Mary Michellyn Ilustre
                                          Lency May Ramos
                                          Precious Ann Santillan
                                          Darrik Martin Serrano
                                          Cedrick John Vitto
                                          Saint Augustine School- Senior High
                                          Daang Amaya II, Tanza, Cavite
Kategorya ng Proyekto: Pangkabuhayan sa panahon ng bakasyon na mainit ang panahon
                                          mula Abril hanggang Mayo
Rasyonal ng Proyekto:
            Ang sobrang init na panahon ay alam nating nakaka pag-init din ng ulo at ito rin ay may masamang epekto sa kalusugan. Kung kaya’t narito ang mga pagkaing maaaring makapag pawi ng init na nararamdaman ito ay; Halo-halo, Saging con Yelo, Mais con Yelo.
            Malaki ang maaring maitulong nito sa mga tao lalo na sa mga kabataan panahon ng bakasyon.  Mas mabuting habang nasa murang edad pa ay matuto ng kumita at mag-ipon. Magandang pagkakataon ang pagkakaroon ng maliit na negosyo upang kumita at makaroon ng ipon habang bakasyon.
Deskripsiyon ng Proyekto:
Masarap at matamis na pamatid sa uhaw ,at palamig at pampawi ng init na nararamdaman.
Narito ang pagsasagawa ng Palamig sa Tag-init.
Haluhalo
            1. Mga sangkap:
» Pinong yelo
» Evaporated Milk
» Asukal
» Ube
» Gulaman
» Minatamis na saging (naka hiwa sa maliit na piraso)
» Minatamis na sago
» Pinipig
» Minatamis na beans
» Langka
2. Pagsama-samahin ang mga sangkap na ito sa isang malaking baso o mangkok.
3. Ilagay ang pinong yelo sa taas.
4. Ilagay ang evaporated milk at langka sa ibabaw.

Saging con Yelo
            1. Mga sangkap:
                        » Asukal
» Pinong Yelo
» Minatamis na saging (naka hiwa sa maliit na piraso)
» Evaporated milk
            2. Unag ilagay ang minatamis na saging at sunod na ilagay ang asukal.
            3. Ilagay ang pinong yelo.
            4. Lagyan ng evaporated milk.

Mais con Yelo
            1. Mga sangkap
                        » Asukal
» Mais
» Pinong yelo
» Evaporated milk
            2. Ilagay ang mais kasunod ang asukal.
            3. Ilagay ang yelo.
            4. Lagyan ng evaporated milk.







Badyet ng Kinakailangang Puhunan (sa PHP)
Gatas, asukal at mga halo
1,300.00
Saging
300.00
Mais
500.00
Tupperware na lalagyan ng mga sangkap
500.00
Electric ice shaver
1,500
Kabuoang Halaga
4,100.00

Pagpapalagay:
            » Ipagpalagay na 65 na araw magtitinda ng Haluhalo, Saging con Yelo, at Mais con Yelo.
            » Ang halaga ng bawat isa ay 20 pesos
            » Nakakabenta ng 30 basong Haluhalo, Saging con Yelo, at Mais con Yelo sa bawat ara.
            » Sa isang araw ay may kita na 30 × 20 = 600 pesos.
            » Samakatuwid ang kinita mo sa 40 na araw × 600 pesos = 24,000.00 piso.
            » Ipagpalagay mo na alisin ang 4,500.00 piso sa 24,000.00 = 19,500.00

» Ang kinita mo sa iyong pagtitinda ay 19, 500.00 piso.

OP#9

March 08, 2018

GINOONG YURI A. PACUMIO
Mayor
Tanza, Cavite

Mahal naming Mayor:

Magandang araw po!

Kami po ay mga mag-aaral mula sa St. Augustine Senior High School. Alam po naming na ang bayan ng Tanza po ang isa sa mga pinakamaayos na bayan sa ating lalawigan. Dahil dito, nais po namin magpaalam sa aming pagtatayo ng isang food stand. Ang proyektong ito ay gaganapin mula Abril hangang Mayo. 

Plano po naming ang magtitinda ng mga sari-saring pagkain tulad ng halo-halo, mais con yelo,at saging con yelo. Sana po ay magustuhan ninyo ang aming inihaing proyekto at lubos po kaming umaasa na pahihintulutan ito sapagkat kami po ay nagnanais na magkaroon ng negosyo at matutong kumita sa murang edad pa lamang.

Sana ay paunlakan po ninyo itong aming liham. Maraming salamat po sa inyong pagsupporta. Pagpalain po kayo ng ating Diyos.

Lubos na sumasainyo,

      (pirma)
Cedrick John Vitto
Lider
Saint Augustine Senior High School 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento