Cedrick Vitto

Op.1
                Ang pagsulat ay isa ring uri ng pananaliksik kung saan ang iyong mga katanungan ay nabibigyan din ng kasagutan. Sa paksang ito kailangan na mayroong interes o kaligiran sa isang bagay na gusto mong isaliksik. Ang mga katanungan ay na sa unang bahagi ng paksa at ang mga kasagutan ay nasa katawang bahagi ng paksa. Kailangan ang paksang gagawin ay may obhetibo, o may layunin na gusting ipararing.

                Pagsasaliksik ang pinaka susi upang mabigyan ng kasagutan sa interes o pananaw ng isang mag-aaral. Kung saan sakop nito ay tangingpaksa o tema ng sulatin. Ang bawat katanungan din ay masasagot kung ang isang mag-aaral ay matalino o may pagpupursigi sa pagaaral nito. Sa pagsulat mas napapalalim pa nito ang kaalaman natin at mga katotohanan nito. Sa pag gawa ng sulatin mahalaga nito ay may layunin ang interes ng mag-aaral at dapat na may paninindigan sa impormasyon, at nabibigyang-katwiran. Mahalaga rin na ang sulatin ng mag-aaral ay hindi mula sa ideya ng ibang manunulat. Kailangan na ang mismong mag-aaral ang nag hanap sa kanyang mga kasagutan.

                Mahalaga na isang pagsulat ay base sa interes, pananawa o kaligiran ng estudiyante. Sa bawat pagsulat kailangan na may layunin ang mag-aaral. Ang pagsulat ay ginagamit upang mabigyan kasagutan ang mga katanungan na sumasagi sa ating isip. Ito rin ay hindi dapat ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita. Kailangan na nagmula sa iba’t ibang sanggunian tulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, almanac, at iba pa. Mas makakapagkatiwalaan kapag ang mga kasagutan ng interes mo ay nagmula rito.




Op.2 Deskriptibo



Epekto ng maagang Pag-bubuntis sa
mga mag-aaral ng Tanza National
Comprehensive Highschool

                Tinutukan sa pag-aaral na ito ang pag bibigay alam ukol sa isyung maagang pag-bubuntis ng mga mag-aaral sa murang edad. Layunin ng pananaliksik na ito ay maipabatid sa kabtaan na ang pakikipagtalik ay isang malaking ksalanan, maaring mag sanhi ng matinding suliranin. Isinagawa ito sa pakikipanayam sa mga inidibidwal na lima hanggang sampu na mag-aaral, na gulang mula 14-17.

                Ayon sa National Health and Demographics Survey noong 2014, isa sa sampung porsyento ng babae edad 15-19 ay buntis na. Ayon naman sa Young Adult Fertility and Security (YAFS), 14 ng porsyento ng Filipinong babae na edad 15-19 ay buntis na o di kaya’y isang ina na. Ang “Teenage pregnancy” ay laganap sa iba’t ibang bansa, kasama na rito ang Pilipinas. Ang bansa natin ay isa sa may malaking populasyon sa pagdaan ng panahon.

                Sa pagaaral na ito gumamit ng tala tanungan kung saan kukuha ng “survey” sa mga mag-aaral ng Tanza bational Comprehensive Highschool. Ang disenyo ng pananaliksik ay deskriptino sapagakat sumasaklaw ito sa kalagayan ukol sa bagy-bagay. Mula sa mga nakapanayam na mayroong katanungan na kanila naming nasagutan. Malaking porsyento na suma-sangayon sila na hndi dapat gawin ang pakikipagtalik ng wala pa sa tamang edad. Isang dahilan na rin ng maagang pagbubuntis ay ang kakulangan sa gabay ng magulang.



Op.3 Sekwensiyal


“Titser Annie”

                Sa isang malayo at liblib na lugar ng Sitio Lobo, sa may Mindoro Oriental. May isang guro na nagtitiyaga maglakad at tawrin ang labing anim na ilog upang magturo sa mga Mangyan. Hindi niya kinagisnan ang buhay sa kabundukan, hindi niya rin kinagisnan ang mabuhay sa kabila ng mga hirap na nadadanas niya para sa kanya “Walang matarik sa taong may malasakit”.

                Si titser Annieay mahigit dalawang taon sa pagtuturo kasama ang co-teacher niya na si Kristel. Bago matapos ang araw sila ay nagtuturo sa matatanda. Isa na ditto si Lea Baldo, isang mangyan na gusto matutong magbasa at magsulat. Noong una niyang tinaggap si Annie ay nadidiri pa sa mga mangyan, ngunit hindi naglaon ay niyakap, tinanggap at natuto siya itong mahalin ito. Sa serbisyong ito sa iisang klase ay saby-sabay ang pagtuturo. Kay Kristel ay ang grade 4,5, at 6 at ang kay titser Annie naman ay ang mga kinder, grade 1, at 2. Sa klase nila ay may isang pinaka matanda at nasa edad 20 na, siya ay si Dina.

                Si Dina ay hindi nakapag aral noong bata dahil sa ayaw ng ama niya na mag-aral. Ngayon ay nakakapasok na siya, siya pa rin ay kailangang umuwi ng maaga. Inaalagaan niya ang kanyang ina na mahigit 2 taon ng may sakit. Sa isang lingo ay tatlong beses lang siya nakakapasok. Kailangan niyang mag trabaho sa sagingan at ibenta ang nakuha. Sa loob ng isang araw ay naka 120 piraso siya ng saging na ang halaga ay 144 ang kinita niya. Ang 100 piraso ay halaga ng 85 pesos. Pagkatapos nito ay naglakad pang muli ng 1 oras para makapunta sa pinaka malapit na botika. Hindi nagging sapat ang 144 pesos upang upambili ng isang kumpletong gamut dahil dalawang piraso lamang ang kinaya nito. Kaya para kay titser Annie “mas okay na ang hirap sa salapi, ngunit mayaman naman sa malasakit”.



Op.4 Sekwensiyal na Sintesis


Ang Paaralang Saint Augustine School
Una:
Ang paaralang “Saint Augustine School of Tanza” o San Agustin ay natagpuan noong pebrero 14, 1969. Ito ay natagpuan ni Monsignor Francisco V. Domingo, na siya ring “Parish Priest” noong panahon na yon. Nung unang taon nito, mayroon lamang silang 44 na estudiyante at ang guro nila ay dalawa. Sa paglipas ng panahon unti-unti itong yumayabong hanggang makumpleto ito noong 1972, kasunod pa nito ang “Basketball court”.

Pangalawa:
                Ang pagtatagumpay ng paaralan sa bawat taon, ay nagging sanhi upang maging kabahagi ang SAS sa DeLa Salle. Sinimulan ito noong 1970, at itinayo sa kaliwang bahagi ng simbahan. Noong panahon na yon ay may maliit na silid-aralan. Sa petsa 1971 naman ay nagkaroon na ng gusali para sa mga “highschool” na itinayo naman sa likod ng simbahan. Ang kabuuhang kontraksyon ay natapos noong 1972.

Pangatlo:  
                Ang logo ng SAS ay ginawa at dinisenyo ni Norgin Molina, estudiyente noong 1988. Ang salita sa loob nito ay “Latin”.  SI POSSUNT CUR NON EGO, (If they can, why can’t I) ang ibig sabihin nito. Kilala din ito bilang kasabihan ni Saint Augustine of Hippo, at ng paaralan.  Ito ay nangangarap ng tapat na bayan ng Diyos. May tatlo itong aspeto na Virtus (virtues); Patria (country); at Scientia (knowledge). Ang bilog ay simbolo ng “pagkakaisa at ang ribbon sa ibaba ang suporta, kooperasyon ng mga adminitrasyon, faculty, estudiyante, magulang , at ang komunidad. Ang kabuuhan nito ay naghahangad na ihubog ang tao para sa magandang bansa at mas magandang mundo.




Op. 5 Bionote


            Si Cedrick John T. Vitto ay ipinanganak noong July 20,1999 sa Tondo, Manila. Siya ay nagtapos ng elementraya at highschool sa iisang paaralan ang Saint Augustine School Tanza. Nag kamit siya award na Valedictorian sa Little Minds Development Centre noong siya ay kinder. Binabalak niya magtapos ng B.S Civil Engineering sa unibersidad ng FEU sa may Alabang.

            Siya ay maraming nasalihan na palaro ng Basketball at makailang beses na ito umabot ng Championship. Sa tulong din niya, nakuha nila ang kampyonato sa paaralang San Agustin para sa “Intramurals”. Siya rin ay nakasali bilang Varsity ng Sint Augustine School Senior High, kung saan sila ay lumaban sa iba’t-ibang prestigous school sa DICES.

            Siya rin nakagawa ng pananaliksik tungkol sa “Insecticide”. Sa tulong ng mga kagrupo niya, naga nila at natapos ang pananaliksik, na isang natural at organic na insecticide, para sa langgam.

            Sa kasalukuyan siya ay nag-aaral sa paaralang Sait Augustine School Senior High. Siya ay isang Grade 12 na estudiyante at nasa strand ng STEM ( Science, Technology, Engineering and Mathematics).




Op. 6 Pagsulat ng Talumpati


"Puso"

            Lagi ko na lang naririnig ang salitang “maliit ka”, “mahina ka”, at “di mo kaya”. Dahil ditto na buo sa puso ko ang paghihiganti. Mas natutunan kong lumaban ng naka ngiti. Lagi kong pinapangrap sa buhay ang mag tagumpay. Ginagawa ang bagay na dati’y di ako sanay. Araw-araw akong natutukso, napapatanong ako sa sarili ko. Natagpuan ko ag sarili ko sa pagitan ng “maliit ka at lalaki pa ba.” Pero heto ako lumalaban, lumalaban kahit nasasapalan.

            Maaga akong nabigo sa larong minahal ko. Pero mas pinili ko harapin ang hamon ng buhay ko. Pinilit suongin ang malalaking hamon at alon sa buhay. Ngunit hindi maaiwasan madapa at mawalan ng pag-asa. Manhid na ang aking mga paa. Pagod na kong tumakbo. Pero heto mas pinili kong bumangon at susupalpalin ko na ang tadhana. Patataubin ko na ang malaking kalaban. Heto na ako nakatayo sa inyong harapan, lalaban sa paraang ako lang ang nakaka-alam, pero alam kong may katuturan.

            Kaya sa mga taong humuhusga at nanghuhusga sa akin, heto na ako papatunayan ko na mali kayo. Papatunayan kong hindi hadlang ang pisikal na kaanyuan ko, dahil bigay ito ng Maykapal, at ibinigay niya ito ng may magandang dahilan. Kaya bago ko tapusin ang aking talumpati, iiwan ko ang katagang “Never too small, to ball”.





Op.7 Editorial Essay


WAR ON DRUGS
            Ang editorial cartoon ay tungkol sa kontra droga ng Pilipinas. Ipinapakita nito kung gaano katindi o kaharas ang ginagawa ng mga gobyerno sa mga “Drug users”. Inuubos nila ang mga adik sa pamamagitan ng “OPLAN TOKHANG”. Dito walang awa na pinapatay ang isang tao na gumagamit ng o na dadawit sa droga.

            Dahil sa Oplan Tokhang maraming inosenteng tao ang nadadamay pagkat napapag bintangan lamang. Agarang pinapatay ang isang tao ng walang pag aalinlangan sa “Human Rights”. Dahil sa Oplan Tokhang ang Human Rights ay napapawalang bias at tuloy sa pagpapatay ang nangyayari. Dahil din ditto maraming pulis ang ginagawa ito bilang isang pagkakataon para makaganti sa kaaway. Kung minsan ay ginagawa nila itong “trip” sa tao at lalagyan nila ng droga upang masabing adik.
           

            Sa isyung nangyayari ngayon, ay nagbukas sa aking isipan na mukang hindi na yata tama ang pagpatay dahil sa ito’y adik. Bigyan man lang sana sila ng pagkakataon at ikulong na lang, hindi yung pinapatay agad. Maraming inosenteng tao ang nadadamay. Halimbawa na lamang ng tatay ng kaibigan ko, ipinapatay ang tatay niya dahil lamang inakala ng mga pulis na ito ay adik. Kaya hindi ako sangayon sa proyektong ito dahil may mga kaso na kahit inosentong tao ay nadadamay at namamatay.





FINALS

Op.1 Replektibong Sanaysay


Katatapos na Proyekto hinggil sa Pananaliksik

            Ang paggawa ng isang pananaliksik ay isang mabigat na gawain. Dito masusukat ang iyong pasensya, at determinasyon upang matapos. Mabigat na gawain ito dahil kaakibat nito ang pagkakamali lalu na at experimental ang pananaliksik. Sa isang experimental na pananaliksik mahalaga ang “trial and error” upang makuha mo ang tamang timpla.

            Noong panahin ng pag gagawa ng pananaliksik naalala ko na kailangan pang mag puyat upang maghanap ng “Review of Related Literature” at kailangan na orasan at obserbahan ang ginagawang experiment. Mahirap labanan ang antok, halos oras-oras nag kakape ngunit di maiwasang antukin. Naghabol din kami sa aming guro upang ipa-tsek ang aming pananaliksik. Halos araw-araw ay bumabalik ako at kami upang ipa-tsek at Maitama ang aming pananaliksik. Maka-ilang beses naming in-edit ang pananaliksik. Sa obserbasyon din di maiwasang makagat ng langgam o antk, dahil ito ang aming o-oberserbahan. Pero nung ito ay matapos napaka sarap sa pakiramda, ang sarap sa pakiramdam na “worth it” lahat ng pagod, hirap at puyat. Mararamdaman mo yung feeling ng “achievement”.


            Sa pananaliksik di talaga maiiwasan ang magkamali at ulitin ang ginawa. Ngunit kung may sipag, tiyaga at determinasyong matapos ay mapagtatagumpayan mo ito. Bilang estudyanteng mananaliksik ang masasabi ko lang ay “Mas masarap mag tagumay, kung ito’y pinaghihirapan.” Kailangan mo lang ng sipag, tiyaga at determinasyon.



Op.2 Lakbay-sanaysay


“Hindi na Ako Takot”


              Ang pagpunta namin sa probinsya ng Marinduque ang hindi ko malilimutang karanasan. Kilala ang Marinduque sa kanilang Moriones Festival. Ang Moriones Festival ay ginaganap sa mahal na araw. Pinapakita ditto ang pinetensya ni Hesus. Kilala rin ang Marinduque dahil sa mga natural na tanawin nito.

            Sa larawang hindi makikita na kasama ko ang isang taon na nagsusuot ng pang Morion. Noong bata ako at nung bumisita kami sa Marinduque, labis ang takot sa Morion. Ako ay takot na takot kapag nakakakita nito. Ngunit ngayon ay parang wala na lang sakin ito. Nakasalubong naming ang isang Morion na ito nung naghahanap kami ng mabibilan ng souvenirs pauwi. Napaka sayang Makita na ang tradisyong ito ay hindi talaga mwawala o nawawala sa puso ng mga taga Marinduque.

            Ito lang ang litrato na masasabi kong hindi koi to malilimutan. Dahil, maikukumpara koi to sa larawan ko nung ako ay takot at sa larawan kong ito na hinarap ang takot. Hindi ko malilimutan ang lugar na ito dahil napakasaya at masasabi mong “Ang sarap sa Probinsya”. Malayo man kung lakbayin, sulit naman kapag ito’y naranasan at iyong mamahalin.



Op. Pictorial Essay


Ligayang sa Probinsya mo lang Madarama




        
        Pagkilala sa aming mga kamag-anak at pagtatampisaqw namin sa dagat sa probinsya ng Marinduque. Matapos ang pagkikita sa mga kamag-anak, pumunta agad kami sa dagat upang maligo. Ang pag tatampisaw sa dagat ay nag silbing “bonding” naming magkakamag-anak. 





           Pag ligo sa Duyay Falls, kung san malamig ang tubig, kasama ang aking pamilya. Sinulit naming pamilya ang pag-kakataon upang maligo sa mala yelo nitong lamig ng tubig.




          Ang pag aalmusal ng maaga bago pa sumikat ang araw. Ang pagkain ay sa probinsya lang matitikman. Sa probonsya masasabi mo na maka-luma talaga ang estilo ng pamumuhay.




           Pagkuha ng litrato sa Morion sa bayan ng Marinduque. Kilala nag Marinduque dahil sa mga Morion nito. Ito ang nagsisilbing sagisang ng Marinduque. 





Op. 4

                                                                                                Ph.1, Blk.3, Lt.3, Sec.3
                                                                                                Belvedere Towne 1, Paradahan 1
                                                                                                Tanza, Cavite
                                                                                                Ika-19 ng Pebrero 2018

GNG. CYNTHIA VILLAR
Owner
Camella Homes
Manila

Mahal na Ginang Cynthia Villar:
            Pagbati!
            Ako po si Cedrick John T. Vitto nagtapos sa Unibersidad ng Far Eastern University Institute of Technology sa Sampaloc, Manila, bilang isang Bachelor of Science in Civil Engineering taong 2016. Nais ko pong mag-aplay ng trabaho bilang isang inhenyero sa inyong kompanya.

            Ang pagiging Civil Engineer sa huling kompanya sa aking pinasukan ay aking maipagmamalaki upang maka siguro na ako po ay maasahan at handing gampanan ang iaatas na responsibilidad ng inyong tanggapan.

            Sa kasalukuyan, ako po ay nakapisan sa aking mga magulang na nakatira sa Ph.1, Blk.3, Lt.3, Sec.3, Belvedere Towne 1, Paradahan 1, Tanza, Cavite.

            Maraming salamat po sa inyong pagtugon.


                                                                                                Lubos na sumasainyo,


                                                                                                CEDRICK JOHN T. VITTO






Op. 5 Resumé

CEDRICK JOHN T. VITTO
Ph.1, Blk.3, Lt.3, Sec.3, Belvedere Towne 1, Paradahan 1,
Tanza, Cavite
email: cedrickjohnvitto@yahoo.com


EDUKASYON
Institusyon
Tinapos
Petsa
Far Eastern University Institute of Technology
Bachelor of Science in
Civil Engineering
Marso 2022
Saint Augustine School
Senior Highschool
(STEM Strand)
Abril 2018
Saint Augustine School
Sekundarya
Marso 2016
Saint Augustine School
Elementarya
Marso 2012


MGA LAYUNIN SA BUHAY
·   Makapag trabaho sa isang kompanya kung saan magagamit ko ang kakayanan at kakayahan ko bilang isang Civil Engineer sa ano mang hamon ng trabaho at magkaroon ng isang magandang karera ng buhay para sa aking sarili.

·  Maisabuhay ang mabuting pag-uugali para sa pamilya, kaibigan, at kapwa at, magkaroon mapanuring pagiisip.


MGA DINALUHANG PALIHAN
Pamagat
Organisasyon
Pinagdausan
Taon
Disaster Risk Reduction Management
SAS
SAS-SHS Campus
2017
MAC-BAN Geothermal Power Plant Seminar
Aboitiz Power Plant
Laguna
2017
Power Plant Visit
NGCP
Laguna
2017

SAMAHANG KINABIBILANGAN
·         Math and Science Club




SANGGUNIAN

MS. CHRISTINE JOYCE VIZMANOS
Guro
Bachelor of Science in Education
Major in Biology
Cavite State University
Rosario, Cavite
Numero: 09065932103

MS. DIANNE T. MACATANGAY
Guro
Bachelor of Secondary Education
Major in Mathematics
Polytechnic University of the Philippines
Maragondon, Cavite
Numero: 09056509700





                                                                                                                       
                                                                                                CEDRICK JOHN T. VITTO




Op. 6

                                                                                                Ph.1, Blk.3, Lt.3, Sec.3
                                                                                                Belvedere Towne 1, Paradahan 1
                                                                                                Tanza, Cavite
                                                                                                Ika-2 ng Marso 2018

GNG. CYNTHIA VILLAR
Owner
Camella Homes Industry
Makati City

Mahala na Ginang Villar:
            Pagbati!
            Ako po si Cedrick John T. Vitto na nag-apaly sa inying tanggapan bilang maging isang Civil Engineer ng inyong kompanya. Ako po ay nag papasalamat dahil ako ako po ay inyong tinanggap sa inyong kompanya at ako po ay napili bilang maging Civil Engineer ng kompanya.

            Bilang pasasalamat sa pagtanggap ninyo sa akin, ako po ay nangangako na gagawin ng maayos ang aking trabaho. Hand apo akong gawin ang mga iaatas na gawain ng kompanya ninyo. Muli maraming salamat sa pagtanggap, nawa ay patnubayan po kay ng Maykapal.


                                                                                                Lubos na sumasainyo,


                                                                                                CEDRICK JOHN T. VITTO






            

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento