Lunes, Marso 5, 2018


OP#2 Deskriptibong Abstrak


“Ang Namamayaning Tunguhin at Estetika sa Panitikang Pambata ng Pilipinas”




        Sa kasalukuyan, Pinakamaunlad na anyo ng panitikang Filipino ang mga akdang pambata. May simplistikong paniniwalang maunlad ito dahil maraming bata sa bansa. Bawat taon maraming sanggol ang isinisilang na magiging potensyal na mambabasa ng mga aklat. Gnunpaman ,nanatiling problema sa lipunan ang kultura ng pagbabasa at ang makalikha ng henerasyon ng mga mambabasang akda ng Filipino. Dagdag pa , suliranin din ang makipagtagisan sa mga banyagang babasahin; ang pagdagsa ng mga segundamanong aklat at ng mga “remainder” , at ang mataas na presyo ng mga mainam at de-kalibreng aklat na lokal. Masasabi na ang pagunlad  ng lokal na aklat  ay higit panating pagyamanin. Dumarami na ang mga akalat , at estabilisado ang mga pamantayan sa pagsulat, pagguhit, at maging ang pagaaral at pagsusuri ng mga panitikan para sa bata. Layon ng  sanaysay na ito na makapaglatag ng mga mungkahi ng Filipino at makabagong estetika sa panitikang pambata, lalo pa’t ang anyong ito’y pamana ng kolonisasyon at edukasyong banyaga sa ating lipunan. Idagdag pa ang namamayaning suliranin ng komersyal na paglalatha na salik sa produsyon ng paulit-ulit , dekahon, at  mahinang uri ng muling pagsasalaysay at orihinal na pagkukwento.






ANGELO B.ARPON

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento