Darrik Serrano

Darrik Martin E. Serrano                                                                                                   Nov. 21, 2017
12 - STEM III

OP # 1

             " Ang pagsulat ay umiinog sa mga paksa, tema, o mga tanong na bibigyang kasagutan ng magaaral sa kanyang sulatin depende sa kanyang kaligiran, interes at pananaw" 


                   Ang pagsulat ay importante sa tao. Ito ay isang paraan ng komunikasyon at interaksyon upang maiparating ang nais mong sabihin. Ngunit, ano nga ba ang dapat nilalaman ng iyong sulatin ?
                 Sa pagsulat ng isang sulatin kinakailangang isaalang alang ang iyong mambabasa at kung anong paksa ang iyong gagawin. Ito dapat ay may kinalaman sa tema ng iyong gagawing sulatin sapagkat dito rin malalaman ng mambabasa ang impormasyon na nais mong iparating. Dapat din isaalang alang ang iyong mambabasa kung ito ba ay bata o matanda upang malaman mo rin kung anong sulatin ang iyong gagawin. Sa paggawa ngsulatin, ang nilalaman na impormasyon ay dapat totoo at may kabuluhan sapagkat dito makikita ang kahalagahan ng iyong sulatin. Sa pagbuo ng sulatin, ang impormasyon na iyong kukuhain ay dapat totoo at kung ikaw ay kukuha sa ibang akda, kinakailangan ng wastong pagkilala sa may akda. Bilang isang estudyante, pinagaaralan namin ang dapat nilalaman ng isang sulatin at kung paano ito sinusulat. Ang laman ng sulatin ay dapat makatuturan at siguradong may makukuhang impormasyon ang iyong mambabasa.
                Sa kabuuan, ang sulatin ay isang akda kung saan nagbibigay impormasyon. Kinakailangan totoo at makatuturan sa mga mambabasa. Dapat isaalang-alang ang inyong gagawing sulatin sa makakabasa ng iyong sulatin. Inaasahang sa paggawa ng sulatin may makakalap na impormasyon ang inaasahang mambabasa.







OP # 2 : Impormatibong Abstrak                                                                                      Nov. 28, 2017

                                        Karanasan ng Isang Bating Ina : Isang Pananaliksik


                   Ang pagaaral na ito ay tungkol sa karansan ng pagiging ina. Ito rin ay nakapokus sa mga pinagdadaanan ng isang batang in sa anim na salik ; emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang pagsasaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang pananaw ng isang batang ina. Dahil dito sa bansang Pilipinas, tumataas ang bilang ng mga batang nagiging magulang. Hindi madali ang pagiging magulang dahil mahirap magpalaki ng supling lalo na kung walang sapat nakita at walang permanenteng trabaho. Nakasalalay sa kamay ng magulang lalong-lalo na sa ina ang kanyang kinabukasan at ang pagkatao ng isang bata. Responsibilidad ng magulang kung paano nila palalakihing mabait at may takot sa Diyos and kanilang supling. Sa Pilipinas, ang isyu ng pagiging batang ina ay nagiging normal dahil sa tumataas na bilang nito. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng "survey" upang malaman ang hinaing, reaksyon, bilang at impormasyon ng mga batang inang sumagot  o sumailalim sa "survey" na ito. Ang mga "survey questionaire" na ito ay ginamit upang makuha ng sapat na datos upang malaman kung ano nga ba ang pinagdadaanan ng mga batang ina sa anim na salik ; emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang saliksik na ito ay may layunin na malaman ang mga pinagdadaan ng mga batang ina na may edad labingdalawa hanggang labing walo. Sa kabuuan, ang saliksik na ito ay may hangarin na alamin ang pananaw ng mga batang ina at pinagdadaanan sa anim na salik ; emosyonal, espiritwal, pinansyal, mental, relasyonal, at soyal.





OP # 3 : Synthesis I                                                                                                            Nov. 29, 2017





Titser Annie

                Ang dokyumentaryong pinanood ay pinamagatang “ Titser Annie” na ipinalabas sa I Witness. Nakapokus ang dokyumentaryong ito sa titser na may malasakit sa mga mangyan na nagngangalang Titser Annie. Walang matarik sa taong may malasakit at walang malayo sa taong determinado.
                Sa isang dulong bayan sa Mindoro Oriental na tinatawag na Sitio Labo ay may liblib nan a mangyan na naninirahan kahit ubod ng layo at ubod ng liblib. May isang dalagang naglalakad at pursigidong tinatawid ang labing anim na ilog upang makapagtur. Sa hindi inaasahan nakasbay nila ang mga mangyan na isang lingo ng naghihintay dahil malakas ang ragasa ng tubig sa ilog at ngayon lamang nagkaroon ng tyansa makatawid at maikyat ang kanilang gamit. Pagtapos ng isang oras na lakaran ay natanaw nila ang Sitio Labo. Halos dalawang taon ng nagtuturo si Titser Annie at ang kanyang “co-teacher” na si titser Kristel. Kahit gaanong kasalat ang bayang iyon ay doon nila nakita ang tunay na pagbibigayan. Pagtapos magturo nila titser annie ay tinuruan pa nila ang mga matatanda kahit wala na ito sa sangay ng kanilang pagtuturo. May isang matandang babae ang kanilang tinanong ng “ Bakit gusto nyo bang matutuo ?” at sumagot ng “upang kami ay matutong magsulat at magbilang”. Noong una ay nakaramdam ng takot at diri sa mga mangyan si Titser Annie ngunit habang tumatagal ang panahon nagbago ito at sa tuwing niyayakap niya ang mga bata ay nagiging masaya ang mga magulang nito. Sabay sabay tinuruan ni titser annie ang mga estudyanteng baitang Kinder hanggang Grade 3 at si titser Kristel naman ang sa baitang 4 hanggang 6. Si Dina ang pinakamatanda sa tinuturuan ni titser Kristel at hindi nya ito sinusukuan. Dahil sa pagpupursigi nito bumalik ang kompyansa at tiwala nya sa sarili at natutong pahalagahan ang sarili. Sa hindi inaasahan ay tumayo si Dina tila nagmamadali, kaya pala ito nagmamadali ay dahil sa nanay niyang si Vilma na dalawang taon ng may sakit at tila buto’t balat na ito. Ilang beses na nila itong pinatingin sa doktor pero hindi ito gumaling galing sa kadahilanang hindi mabili ang gamot na nakareseta. Sa pagpanaw ng tatay ni Dina, siya na ang tumayong bilang nanay at tatay neto. Siya na ang nagtatrabaho sa sagingan at lumalakad ng halos dalawang oras marating lang tamoli kung saan binibili ang prutas. Ngunit halagang 144 pesos lang ang kaniyang nakuha dahil kakaonti lang at katatapos lang manalasa ng bagyong Lando. Ang kaniyang nakuhang pera ay para pangbili ng gamot sa pinakamalapit na botika. Matapos ang isang oras na lakaran ay narating nila ang botika at dalawang gamot lang ang kaniyang nabili.
                Bilang isang gurong nagmamalasakit ay hindi maikakahon ang kaniyang responsibilidad. Sinabihan na si titser Dina ng Dep. Ed na tapos na ang kaniyang responsibilidad sa mga mangyan at bumaba na sa  kapatagan. Ngunit hindi nya ito tinanggap at sinabing kapag iniwan ko ang mga mangyan ay parang iniwan ko na ang aking obligasyon at gusto kong magiwan ng isang “legacy” upang maalala nila ko sa susunod na sampung taon. Hindi milyonaryo at makapangyarihang lider si Titser Annie ngunit mayaman siya sa malasakit at makapangyarihan ang kanyang inspirasyon.


OP # 4 : Synthesis II ( Kronolohikal)




                                                            Kasaysayan ng Saint Augustine School

                Ang paaralang Saint Augustine School sa Tanza, Cavite ay pingunahan dati ng noong pari ng bayan na si Monsignor Francisco V. Domingo noong Pebrero 14, 1969 at pormal na binuksan noong Hunyo 1969.
                Ang layunin ng paaralang ito ay turuan ang mga bata ng “Christian Catholic Education“ at magbigay ng magandang kalidad na edukasyon sa mga ito. Sinusubaybayan dati ito noon ng paaralang De La Salle. Ang paaralang ito ay may kinder hanggang grade one lamang at hanggang 44 na estudyante at 2 guro lamang mayroon noon. Dahil sa pagiging matagumpay noon ay lumago ito at tumanggap ng mga bagong estudyante at guro. Makatapos ang isang taon ay itinayo na ang pangunahing gusali sa gilid ng simbahan at noong 1971 ay sinimulan ng itayo ang gusali para sa sekondarya at matapos ang isang taon ay nasundan na rin ng pagtatayo ng “court”. Ang kauna-unahang punong-guro nito ay Sr. Angeles Gabutina ng dalawang buwan bago pumalit si Sr. Clemencia Ranin. Pag alis ni Sr. Clemencia Ranin, si Sr. Matilde ang sumunod noong 1971 at tumagal ng dalawang taon. Si Sr. Ma Leonora naman ang nagsilbing punong guro sa elementarya noong 1972-1973. Tapos noong 1973-1976, Si Ms. Patrocinio naman ang pumalit at noong 1975 ay nagretiro na si Monsignor Francisco V. Domingo bilang pari at direktor ng paaralan, umupo bilang bagong direktor si Fr. Luciano Paguilan. At ng umalis si Miss San Juan noong 1977, si Fr. Corsie Legaspi ang pumalit sa kanya. Tumagal siya ng isang taon (1978-1979). Mula 1979-1980 si Sr. Teresita Octavio ang tumayong punong guro na sinundan ni Ms Julieta Hernandez ( 1980-1989) at ni Rev. Fr. Teodore bilang direktor ng paaralan at Mercedito Pacumio bilang punong guro hanggang ngayon. At sa kasalukuyan ang bagong direktor ng paaralan ay si Fr. Alain D. Manalo.
                Noong 2016 ay binuksan na rin ang hiwalay na paaralan para sa mga “Senior High School” na nagaalok ng programang STEM, HUMMS, ABM at GAS. Sa ngayon mayroon ng humigit 700 na estudyante ang napasok sa “Senior High School Campus” at inaasahang lalago pa ang paaralang ito sa mga susunod na taon.




OP # 5 : Bionote

                Si Darrik Martin E. Serrano ay tubong Tanza, Cavite. Siya ay ipinanganak noong Disyembre 18, 1999 ng kaniyang ina na si Ma. Christine E. Serrano. Siya ay kasulukuyang nagaaral sa paaralan ng San Agustin bilang isang “Senior High School” at kasalukuyang Grade 12. Siya ay mahilig maglaro ng “Volleyball” at “computer games”, magbasa at gumuhit bilang libangan. Siya ay mahilig sa mga asignaturang “Math, Science at English” at pagtapos niya ng “Senior High School”
                Siya ay napabilang sa “Math Club” at “Finance Management”. Siya ay nagsisikap na makatapos at nagpupursigi upang matupad ang kaniyang propesyon bilang isang “Civil Engineer”.
 
 

OP # 6 : Talumpati

Sino ba ako ?

Sa loob ng labing walong taon, kilala ko na
Nga ba ang sarili ko ? O nabubuhay lang ba
Ako base sa mundong ginagalawan ko ?
Marahil ganon na nga, nakadepende tayo sa
Sasabihin ng iba.
Pero masaya ka ba sa bawat diktang ginagawa
 Nila o sadyang napipilitan ka lang kase iyon
Ang sinasabi ng karamihan sa kanila.

Sa mundong ito, mata ang nakabantay sayo
Kahit gumawa ka ng tama, mali parin ang makikita
Sayo. Wala e ganyan talaga dito,
Pangmamata at diskriminasyon ang umiikot sa mundong
Ito. Anong magagawa ko? Kung hindi magpapakatotoo

Sa bawat panahong lumipas mas nakilala ko
Kung sino ako. Mas nasabi ko sa sarili ko kung ano ako.
Sinantabi ang sasabihin ng iba at nagpakatotoo sa masa.
Ibubuka ang aking pakpak kasabay ang aking pangarap.
At sa aking paglapag sisiguraduhin kong may tagumapay
Akong malalasap .




OP # 1 : Replektibong Sanaysay

                                                Natatanging Karanasan bilang isang Magaaral

                Isang karangalan sa estudyante ang makapagtapos. Edukasyon ang isang susi para ang isang tao ay maging matagumpay sa landas na kanyang tatahakin. Bilang isang estudyante maraming karansan ang nabuo sa eskuwelahan at taon na aking ginugugol.
                Sa aking paaralan na pinapasukan ngayon, may mga karanasan ang nabuo at hinding – hindi ko makakalimutan. Nariyan an gaming pagkakampyeon noong 2017 sa “ Intramurals “ dito sa aking paaralan na pinapasukan. Hinding – hind ko rin makakalimutan ang paglahok naming sa CADIPSAA noon at ngayon, hindi ko iyon malilimutan sapagkat karangalan sa akin/amin ang irepresenta ang pangalan ng paaralan na aking pinapasukan. Hindi rin mabubura sa aking isipan ang paghahabol ko sa aking guro upang maipasa lang ang mga gawaing nahuli. Tumatak din sa aking isipan ang mga aktibidad na nangyari dito sa aking paaralan tulad ng pista – pistahan, “defreezing”, “Intramurals”, at “Christmas Party”, sapagkat nagging masaya at malaya kami noong mga araw na iyon at mas nakapag bonding kami ng mga kaibigan. Maraming karanasan ang aking mga isinulat ay siyang tumatak at nagmarka sa aking isipan.
                Sa dinami – dami ng karanasan ko bilang estudyante, kakaonti lang ang nagmarka sa aking isipan dahil ang mga karanasan na iyon ay siyang magiging tanda ng pagiging isang masiyahin kong estudyante. Itong mga karanasan na ito ay hinding – hindi ko malilimutan at babaunin ko sa aking pagtanda.




OP # 2 : Lakbay Sanaysay





                Enero 4, 2018 isa sa mga mahahalagang pangyayari na hinding – hindi ko malilimutan. Huling taon na makakasama at makakalaro sa sa loob ng “ court “. Simula papunta hanggang paguwi ngiti ang tanging nakaguhit sa aming labi.
                Kasama ang mga “ kateam mates “ at “ coach “ tinungo naming ang OLPCS sa Imus, Cavite. Simula palang n gaming biyahe, kasiyahan at katuwaan ang nangingibabaw sa loob ng bus. Hindi maalis ang kaba dahil kompetisyon ang aming pinunta ngunit nandiyan an gaming coach upang kami ay iangat at palakasin ang loob. Unang araw, unang laro parang karera ang aming laban patungo sa aming pagkapanalo, ngunit kami ay nabigo. Ikalawang laro, unang panalo. Kailangang kalimutan ang nangyari at ipagpatuloy ang laban. Ikalawang araw, ikalawang panalo. Salubong naming sa araw na iyon ay pagkapanalo. Ikalawang laro kami ay nabigo, nabigong abutin ang kampeyonato.
                Huling taon ng aming paglalaro na magkakasama ay sadyang masaya at hindi malilimutan. Ipagpatuloy ang nasimulan at ibawi ang mga natalong laban.



OP # 3 : Pictorial Essay

Enero 23 ng ito'y kinuhaan. Makkita sa litrato ay sina ako at Kurt. Ito ay dapat na "pictorial" ng graduation "best dress" 

Sa parehas na araw itong litrato kinuhaan. Kurt, Vitto at ako. Itong litratong ito ay dapat magsilbing alaala upang sila ay hindi makalimutan.


OP # 4 :
                                                                                                                                                                                                                                                                                           Punta II Tanza, Cavite
                                                                                                                                                                                                                                                                                           Ika – 20 ng Pebrero

GNG. MA. CHRISTINE E. SERRANO
Asst. Supervisor
CSB Company (PEZA)
Rosario, Cavite

Mahal na Gng Serrano:
                Pagbati!
                Ako po si Darrik Martin E. Serrano na nagtapos ng Bachelor of Science in Medical Technology sa Philippine Womens University noong 2022. Nais ko po sanang mag aplay ng trabaho sa inyong mabuting tanggapan bilang nurse o anumang posisyong may kakonekta sa aking kurso.
                Ang pagiging working student ay mahirap bagkos ay aking ipinagmamamalaki upang kayo ay makasiguro na akoy masipag at matiyaga at handa ko pong balikatin ang lahat ng responsibilidad na iaatas ng inyong kumpanya.
                Sa kasalukuyan, ako po ay nakapisan sa aking ina na nakatira sa 008 Punta II Tanza, Cavite
Maraming Salamat po sa inyong pagtugon.

                                                                                                                                                                                                                                                                                             Lubos na gumagalang,

                                                                                                                                                                                                                                                                                             Darrik Martin E. Serrano

OP # 5 : Resume

008 Punta II Tanza, Cavite

Edukasyon
Institusyon
Tinapos
Petsa
Philippine Women’s University
Bachelor of Science in Medical Technology
2022
Saint Augustine School Senior High School Campus
Sekondarya
2018
Felipe Calderon Elementary School
Elementarya
2012

Layunin sa Buhay
·         Magampanan ng maayos ang mga bagay na naitas gawin
·         Laging tapat at responsible sa ano mang bagay.
Karangalang Natamo
·         Honorable Mention (2015)
Dinaluhang Palihan
Pamagat
Organisasyon
Pinagdausan
Taon
Disaster Risk Reduction Management
Saint Augustine School
SAS SHS Campus
2017
MAK – BAN Geothermal Power Plant Seminar

Power Plant Visit
Aboitiz Power


NGCP
Laguna


Laguna
2017


2017

Samahang Kinabibilangan
·         Math Club (2016-2017)
·         Financial Club ( 2017- Kasalukuyan )




Sanggunian
Mr. Dennis Reyes
Guro
Bachelor of Science in Biology
Cavite State University
Indang, Cavite
Numero : 09052348997

Ms. Christine Joy Vizmanos
Guro
Bachelor of Science in Education
Cavite State University
Rosario, Cavite
Numero : 09089213475



Darrik Martin E. Serrano

OP # 6

                                                                                                                      008 Punta II Tanza, Cavite
                                                                                                                      Ika – 02 ng Marso, 2018

GNG. MA. CHRISTINE E. SERRANO
Asst. Supervisor
CSB Company
Rosario, Cavite

Mahal na Ginang Serrano:
                Pagbati!
                Ako si Darrik Martin E. Serrano ay lubos na nagpapasalamat sa pagtugon sa liham na una kong naipadala at sa pagtanggap sa akin bilang nurse sa inyong kompanya.
                Kayo po ay makakasiguro na ako ay isang masikap at determinadong empleyado sa inyong kompanya at kayo ay makakasiguro na lahat ng iaatas sa akin na gawain ay aking magagawa at matatapos.
                Maraming Salat sa inyo !

                                                                                                                   Lubos na nagpapasalamat,


                                                                                                         DARRIK MARTIN E. SERRANO

OP#8

Panukalang Proyektong Pang-negosyo: Palamig sa Tag-init
Proponent ng Proyekto: Angelo Arpon
                                          Mary Michellyn Ilustre
                                          Lency May Ramos
                                          Precious Ann Santillan
                                          Darrik Martin Serrano
                                          Cedrick John Vitto
                                          Saint Augustine School- Senior High
                                          Daang Amaya II, Tanza, Cavite
Kategorya ng Proyekto: Pangkabuhayan sa panahon ng bakasyon na mainit ang panahon
                                          mula Abril hanggang Mayo.
Rasyonal ng Proyekto: 
            Ang sobrang init na panahon ay alam nating nakaka pag-init din ng ulo at ito rin ay may masamang epekto sa kalusugan. Kung kaya’t narito ang mga pagkaing maaaring makapag pawi ng init na nararamdaman ito ay; Halo-halo, Saging con Yelo, Mais con Yelo.
            Malaki ang maaring maitulong nito sa mga tao lalo na sa mga kabataan panahon ng bakasyon.  Mas mabuting habang nasa murang edad pa ay matuto ng kumita at mag-ipon. Magandang pagkakataon ang pagkakaroon ng maliit na negosyo upang kumita at makaroon ng ipon habang bakasyon.
Deskripsiyon ng Proyekto:
Masarap at matamis na pamatid sa uhaw ,at palamig at pampawi ng init na nararamdaman.
Narito ang pagsasagawa ng Palamig sa Tag-init.
Haluhalo
            1. Mga sangkap:
» Pinong yelo
» Evaporated Milk
» Asukal
» Ube
» Gulaman
» Minatamis na saging (naka hiwa sa maliit na piraso)
» Minatamis na sago
» Pinipig
» Minatamis na beans
» Langka
2. Pagsama-samahin ang mga sangkap na ito sa isang malaking baso o mangkok.
3. Ilagay ang pinong yelo sa taas.
4. Ilagay ang evaporated milk at langka sa ibabaw.

Saging con Yelo
            1. Mga sangkap:
                        » Asukal
» Pinong Yelo
» Minatamis na saging (naka hiwa sa maliit na piraso)
» Evaporated milk
            2. Unag ilagay ang minatamis na saging at sunod na ilagay ang asukal.
            3. Ilagay ang pinong yelo.
            4. Lagyan ng evaporated milk.

Mais con Yelo
            1. Mga sangkap
                        » Asukal
» Mais
» Pinong yelo
» Evaporated milk
            2. Ilagay ang mais kasunod ang asukal.
            3. Ilagay ang yelo.
            4. Lagyan ng evaporated milk.





Badyet ng Kinakailangang Puhunan (sa PHP)
Gatas, asukal at mga halo
1,300.00
Saging
300.00
Mais
500.00
Tupperware na lalagyan ng mga sangkap
500.00
Electric ice shaver
1,500
Kabuoang Halaga
4,100.00

Pagpapalagay:
            » Ipagpalagay na 65 na araw magtitinda ng Haluhalo, Saging con Yelo, at Mais con Yelo.
            » Ang halaga ng bawat isa ay 20 pesos
            » Nakakabenta ng 30 basong Haluhalo, Saging con Yelo, at Mais con Yelo sa bawat ara.
            » Sa isang araw ay may kita na 30 × 20 = 600 pesos.
            » Samakatuwid ang kinita mo sa 40 na araw × 600 pesos = 24,000.00 piso.
            » Ipagpalagay mo na alisin ang 4,500.00 piso sa 24,000.00 = 19,500.00

» Ang kinita mo sa iyong pagtitinda ay 19, 500.00 piso.

OP#9

March 08, 2018

GINOONG YURI A. PACUMIO
Mayor
Tanza, Cavite

Mahal naming Mayor:

Magandang araw po!

Kami po ay mga mag-aaral mula sa St. Augustine Senior High School. Alam po naming na ang bayan ng Tanza po ang isa sa mga pinakamaayos na bayan sa ating lalawigan. Dahil dito, nais po namin magpaalam sa aming pagtatayo ng isang food stand. Ang proyektong ito ay gaganapin mula Abril hangang Mayo. 

Plano po naming ang magtitinda ng mga sari-saring pagkain tulad ng halo-halo, mais con yelo,at saging con yelo. Sana po ay magustuhan ninyo ang aming inihaing proyekto at lubos po kaming umaasa na pahihintulutan ito sapagkat kami po ay nagnanais na magkaroon ng negosyo at matutong kumita sa murang edad pa lamang.

Sana ay paunlakan po ninyo itong aming liham. Maraming salamat po sa inyong pagsupporta. Pagpalain po kayo ng ating Diyos.

Lubos na sumasainyo,

      (pirma)
Cedrick John Vitto
Lider
Saint Augustine Senior High School 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento