Ang akedemikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Ito ay nakakatulong sa pag papataas ng ng kaalaman sa mga bagay-bagay. Mahalaga na ang impormasyon na nakuha ay maasahan at tanging katotohanan lamang abg naiihayag. Ito ay isang makabuluhang pag sasalaysay kung saan sumasalamin ang reaksyon at opinyon ng manunulat. Mahalaga rin na ang mga ideyang nakuha ay hindi ginaya o kinuha mula sa ibang manunulat.
Mahalagang matutunan ang akademikong sulatin dahil ito ay makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman. Mahalaga rin ang pag sasaayos ng akademikong sulatin tulad ng rekomendasyon upang hindi ka maging isang magnanakaw ng sulatin. Ito ay hindi ginagamitan ng mga balbal na salita, dahil ito ay isang pormal na sulatin. Ang akademikong sulatin ay mga bagay na natututunan sa paaralan. Dito pinapalawak nila ang pang unawa at kaalaman base sa asignaturang itunuturo. Natututo rin tayong magsaliksik upang mapalalim pa at mas maunawaan ang isang bagay at malaman ang katotohanan ukol dito.
Hindi sapat na sabihin na alam natin ang isang bagay, kung wala itong tama at maasahang impormasyon. Huwag lamang tayo bumase sa iisang impormasyon. Dapat din tayong manaliksik upang mas mapalalim natina ng ating kaalaman. Marami pang kahulugan ang mga bagay-bagay, kung kaya't mas magandang humanap pa ng ibang impormasyon mula sa iba't-ibang manunulat. Ang akademikong sulatin ay isang pormalnsa sulatin, ito ay mahalagang uri ng pagsulat, dahil ang sulating ito ay tanging katotohanan lamang ang nilalaman.
~Cedrick John T. Vitto
~Cedrick John T. Vitto
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento