Linggo, Marso 11, 2018

Sekwensiyal na Sintesis


Op.4
Sekwensiyal na Sintesis

Ang Paaralang Saint Augustine School
Una:
Ang paaralang “Saint Augustine School of Tanza” o San Agustin ay natagpuan noong pebrero 14, 1969. Ito ay natagpuan ni Monsignor Francisco V. Domingo, na siya ring “Parish Priest” noong panahon na yon. Nung unang taon nito, mayroon lamang silang 44 na estudiyante at ang guro nila ay dalawa. Sa paglipas ng panahon unti-unti itong yumayabong hanggang makumpleto ito noong 1972, kasunod pa nito ang “Basketball court”.

Pangalawa:
                Ang pagtatagumpay ng paaralan sa bawat taon, ay nagging sanhi upang maging kabahagi ang SAS sa DeLa Salle. Sinimulan ito noong 1970, at itinayo sa kaliwang bahagi ng simbahan. Noong panahon na yon ay may maliit na silid-aralan. Sa petsa 1971 naman ay nagkaroon na ng gusali para sa mga “highschool” na itinayo naman sa likod ng simbahan. Ang kabuuhang kontraksyon ay natapos noong 1972.

Pangatlo:  
                Ang logo ng SAS ay ginawa at dinisenyo ni Norgin Molina, estudiyente noong 1988. Ang salita sa loob nito ay “Latin”.  SI POSSUNT CUR NON EGO, (If they can, why can’t I) ang ibig sabihin nito. Kilala din ito bilang kasabihan ni Saint Augustine of Hippo, at ng paaralan.  Ito ay nangangarap ng tapat na bayan ng Diyos. May tatlo itong aspeto na Virtus (virtues); Patria (country); at Scientia (knowledge). Ang bilog ay simbolo ng “pagkakaisa at ang ribbon sa ibaba ang suporta, kooperasyon ng mga adminitrasyon, faculty, estudiyante, magulang , at ang komunidad. Ang kabuuhan nito ay naghahangad na ihubog ang tao para sa magandang bansa at mas magandang mundo.

Cedrick John T. Vitto

Lunes, Marso 5, 2018

OP#3 Kronolohikal



                                                        “Titser Annie”




             Nagumpisa ang buhay ni titser Annie sa  Mindoro Oryental sa dokomentadong paglalahad ng “I witness”. Mula sa paglalakad ng kilo-kilo metrong layo patungo sa Sityo Labo. Tinatawid ng Guro ang labinganim na ilog upang matulungan din ang mga mangyan na naninirahan sa magubat na bayan. Kadalasan nakakasabay niya ang mga estudyante patungo sa paaralan na inaabot ng mahigit sa isang oras, Nagtuturo ng klase sa matatanda ng libre. Nabanggit din ang buahy ng isang istudyanteng kapus sa buhay na si Dina malubha ang sakit ng kanyang ina at ang kanyang ama namay pumanaw na. Tumayo syang maggulang sa kanilang pamilya. Nagkakaroon sya ng pagliban ng klase upang magtrabaho sa para sa pamilaya, tatlong araw lang ang pinapasok nya sa isang linggo. Ito upang matulungan ang kaniyang ina sa pagbili ng gamot. Tumutulong din rito ang Guro sa pagbili ng gamot ng ina ng istudyante, samantala binigyan ng “promotion” ang Guro ililipat na siya ng ibang lugar upang magturo  at lilisanin na ang sityo Labo, ngunit napamahal na ang Guro sa mga mamayan roon at pinagpatuloy niya ang patuturo sa mga mangyan at ipinagpaliban ang pag alis .



ANGELO B. ARPON







OP#2 Deskriptibong Abstrak


“Ang Namamayaning Tunguhin at Estetika sa Panitikang Pambata ng Pilipinas”




        Sa kasalukuyan, Pinakamaunlad na anyo ng panitikang Filipino ang mga akdang pambata. May simplistikong paniniwalang maunlad ito dahil maraming bata sa bansa. Bawat taon maraming sanggol ang isinisilang na magiging potensyal na mambabasa ng mga aklat. Gnunpaman ,nanatiling problema sa lipunan ang kultura ng pagbabasa at ang makalikha ng henerasyon ng mga mambabasang akda ng Filipino. Dagdag pa , suliranin din ang makipagtagisan sa mga banyagang babasahin; ang pagdagsa ng mga segundamanong aklat at ng mga “remainder” , at ang mataas na presyo ng mga mainam at de-kalibreng aklat na lokal. Masasabi na ang pagunlad  ng lokal na aklat  ay higit panating pagyamanin. Dumarami na ang mga akalat , at estabilisado ang mga pamantayan sa pagsulat, pagguhit, at maging ang pagaaral at pagsusuri ng mga panitikan para sa bata. Layon ng  sanaysay na ito na makapaglatag ng mga mungkahi ng Filipino at makabagong estetika sa panitikang pambata, lalo pa’t ang anyong ito’y pamana ng kolonisasyon at edukasyong banyaga sa ating lipunan. Idagdag pa ang namamayaning suliranin ng komersyal na paglalatha na salik sa produsyon ng paulit-ulit , dekahon, at  mahinang uri ng muling pagsasalaysay at orihinal na pagkukwento.






ANGELO B.ARPON


                                                Kahalagahan ng sulatin

    



Ang pagsulat ay isang mahalagang proseso na kinakailangan ng mataas na antas ng kaalaman at abilidad. It ay kalimintan kapupulutang ng aral at kamalayan ng isang mambabasa. Mahalagang naihahayag ng manunulat ang kanyang ideya upang ang mambabasa ay hindi mawalan ng interes sa kanyang sulat. Nabibig din dapat ng pasin ng manunulat ang kahalagahan ng inilathang sulat. Ang isang mahalagang bahagi ng pagsulat ay ang mahikayat ng manunulat ang mambabasa at maipaalam ang damdamin nya mula sa nabasang sulat. Ang kahalagahan ng pagsulat ay naihahayad ng tao ang kaniyang sa loobin at damdamin upang ang nagawang pagsulat ay maging isang makabuluhang sulat na kapupulutan ng impormasyon at hindi manlibang lamang. Nabibilang ang pagsulat sa isang mataas na antas na pamantayan sa palilinang ng kakayahang umunawa at komunikasyon.






ANGELO B. ARPON

Sabado, Enero 27, 2018

Sintesis 2 (Kasaysayan ng Saint Augustine School)

Ang Historya ng Magandang Simula


         Ang Saint Augustine School ng Tanza ay isang paaralang ipinangalan kay Saint Augustine na patron ng Tanza. Ang paaralan ay itinatag noong ika-14 ng Pebrero 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo. Ang unang prinsipal ng paaralan noong ito ay itinatag ay si Angeles Gabutina kung saan ay dalawang taong nanungkulan bago palitan ni Sr. Clemencia Ranin. Ito ay pormal na nagbukas noong Hulyo 1969.

          Ang inaalok pa lamang ng paaralan noon ay para sa kinder at unang baytang. Naging maganda ang pagtakbo ng paaralan sa unang taon na pagbukas nito. Sa tutuusin ay 44 na estudyante at dalawang guro pa lamang ang meron sa paaralan. Ang paaralan ay naging matagumpay at dahil dito ay isang panibagong gusali ang ipinatayo makalipas lamang ng isang taon. Dahil sa mabilis na paglago ng paaralan ay nagtayo na rin ng panibagong gusali para sa "high school" nang sumunod na taon. Pagkatapos itinayo ang mga gusali ay nagpagawa na rin ng "basketball court".

          Matagumpay ang pagtakbo sa paaralan ng Saint Augustine School. Sa kasalukuyan ay higit sa daan-daang estudyante na ang nag-aaral dito. Noong 2016 ay nagkaroon na rin ng "Senior high school" ang paaralan. Ang namumunong prinsipal ngayon ay si Mercedita P. Pacumio at ang "school director" naman ay si Rev. Fr. Alain P. Manalo. 


Precious Santillan

Martes, Enero 23, 2018

Op. 1

Op. 1

                Ang pagsulat ay isa ring uri ng pananaliksik kung saan ang iyong mga katanungan ay nabibigyan din ng kasaguta. Sa paksang itokailangan na mayroong interes o kaligiran ka sa isang bagay na gusto mong isaliksik. Ang mga katanungan ay nasa unang bahagi ng paksa at ang mga kasagutan ay nasa katawang bahagi ng paksa. Kailangan ang paksang gagawin ay obhetibo o may layunin na gusting iparating.
                Pagsasaliksik ang pinaka susi upang mabigyan ng kasagutan sa interes o pananaw ng isang mag-aaral. Kung saan sakop nito ay tanging paksa o tema ng sulatin. Ang bawat katangain din ay masasagot kung ang isang mag-aaral ay matalino o may pag pupursigi sa pag-aaral na ito. Sa pagsulat mas napapalalim nito ang kaalaman natin at mga katotohanan nito. Sa pag gawa ng sulatin mahalaga nito ay may layunin at interes ng mag-aaral at dapat na may paninidigan sa impormasyon at nabibigyang-katwiran. Mahalaga rin na ang sulatin ng mag-aaral ay hindi mula sa ideya ng ibang manunlat. Kailangan na ang mismong mag-aarl ang maghanap sa kanyang kasagutan.
                Mahalaga na ang isag pagsulat ay base sa interes, pananaw o kaligiran ng estudyante. Bawat pagsulat ay kailangan na may layunin ang mag-aaral. Ang pagsulat ay ginagamit upang bigyang kasagutan ang mga katanungan na sumasagi sa ating isip. Ito rin ay hindi dapat gamitan ng impormal o balbal na pananalita. Sa pagsulat kailangan din na ang impormasyon ay tama. Kailangan na nag mula sa iba’t ibang sanggunian tulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, almanac, at iba pa. Mas makakapag katiwalaan kapag ang mga katanungan ng interes mo ay nagmula rito.

Cedrick John T. Vitto 

Linggo, Enero 21, 2018

Talumpati(Maraming Salamat)

Maraming Salamat
Isinulat ni Precious Santillan

Ako'y anim na taong gulang 
nang umalis ang aking mga magulang
upang magtrabaho 
sa bansang napakalayo

Maganda nga ang aming pamumuhay
ngunit parang may kulang sa aking buhay
Ako pala ay nangungulila na 
sa pagmamahal ng isang ama at ina

Unti-unting nawala ang pangungulila 
nang aking makilala
Ang tunay na Diyos na buhay
na sa akin ay gumagabay
Oh Diyos kong banal
salamat sa sobra-sobrang pagmamahal

Pangalan mong makapangyarihan 
nararapat lang na bigyan ng kapurihan 
Sa pagpapala mong parang pagbagyo
Para na atang hindi titigil ang mga ito

Maraming salamat sa mga ginawa mo
pati na rin sa mga magulang ko
dahil sa pag-aaruga nila 
na ramdam namin kahit malayo sila