Op. 1
Ang
pagsulat ay isa ring uri ng pananaliksik kung saan ang iyong mga katanungan ay
nabibigyan din ng kasaguta. Sa paksang itokailangan na mayroong interes o
kaligiran ka sa isang bagay na gusto mong isaliksik. Ang mga katanungan ay nasa
unang bahagi ng paksa at ang mga kasagutan ay nasa katawang bahagi ng paksa.
Kailangan ang paksang gagawin ay obhetibo o may layunin na gusting iparating.
Pagsasaliksik
ang pinaka susi upang mabigyan ng kasagutan sa interes o pananaw ng isang
mag-aaral. Kung saan sakop nito ay tanging paksa o tema ng sulatin. Ang bawat
katangain din ay masasagot kung ang isang mag-aaral ay matalino o may pag
pupursigi sa pag-aaral na ito. Sa pagsulat mas napapalalim nito ang kaalaman
natin at mga katotohanan nito. Sa pag gawa ng sulatin mahalaga nito ay may
layunin at interes ng mag-aaral at dapat na may paninidigan sa impormasyon at
nabibigyang-katwiran. Mahalaga rin na ang sulatin ng mag-aaral ay hindi mula sa
ideya ng ibang manunlat. Kailangan na ang mismong mag-aarl ang maghanap sa
kanyang kasagutan.
Mahalaga
na ang isag pagsulat ay base sa interes, pananaw o kaligiran ng estudyante.
Bawat pagsulat ay kailangan na may layunin ang mag-aaral. Ang pagsulat ay
ginagamit upang bigyang kasagutan ang mga katanungan na sumasagi sa ating isip.
Ito rin ay hindi dapat gamitan ng impormal o balbal na pananalita. Sa pagsulat
kailangan din na ang impormasyon ay tama. Kailangan na nag mula sa iba’t ibang
sanggunian tulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, almanac, at iba pa. Mas
makakapag katiwalaan kapag ang mga katanungan ng interes mo ay nagmula rito.
Cedrick John T. Vitto
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento