Ang pag-aaral na ito ay pinag-aaralan ang perspektibo at pag-uugali ng mga kabataan sa materyal na bagay. Ilang kabataang edad na 16-19 ang naging kalahok sa pagsasagawa ng impormal pakikinayam at pagtatanong-tanong, Maraming kabataan ang gustong maki-uso sa mga pagbabago at teknolohiya. Ayon sa nakalap na kasagutan mula sa mga kabataan, ang pakikiuso sa mga materyal na bagay ay ang pagsabay lamang natin sa pagbago ng panahon. Mayroon namang negatibo at positibong resulta, una ay sa pakikiuso. Ang positibong epekto nito ay nabibilang ka sa isang groupo. Ang negatibong epekto naman nito ay magastos at nakaliligtaan na minsan ang kulturang kinalakihan. Naging positibo naman din ito sapagkat malaking tulong ang nadudulot ng ibang ibang materyales lalo na sa aspeto ng pakiki-uso patungkol sa teknolohiya. Mabilis mapadali ang mga gawain dahil sa mga makabagong teknolohiya. Ang negatibo naman ay hindi na nagagawa ng mga kabataan ang nakagawian na ginagawa ng mga katutubo o mga gawain ng kanilang magulang. Nawawala rin ang mga kabataan ng respeto dahil sa kagustuhan nila na makiuso o "pakiki-in" sa mga materyales na bagay na mayroon din ang ibang tao. Hindi naman daw magiging negatibo ang pagkagusto mo sa isang bagay basta ay alam mo ang iyong limitasyon pagdating sa pamimili. Nasabi rin na walang masabang bagay basta ay hindi sobra.
Precious Ann Santillan
alabyu
TumugonBurahinThanks sa information 💝 lab lab ko kayo
TumugonBurahinKailan po ito nailimbag?
TumugonBurahinUwU
TumugonBurahin