Linggo, Enero 21, 2018

Sulatin 3

Sulatin 3

Talumpati
                Para sa akin ang talumpati ay isang uri ng pananalita kung saan ay nagbibigay mensahe at nanghihikayat ng manunod. Dito para bang ang salita mo ay nanghihikayat ng pagbabago. Ang punto dapat ng talumpati ay hindi nalalayo o naiiba sa paksa. Dapat ding bigyang-diin ang mensahe na gusto mong iparating sa talumpati. Mahalaga na maintindihan ito ng tagapakinig upang mabatid nila ang iyong punto at mensahe ng nagtatalumpati.
                Ang uri ng talumpati ay isang Impromptu, dahil ito’y isang talumpati na nag bibigay ng ideya patungkol sa kabataan sa Plipinas. Binibigyan-diin at pinapalinaw nito na ang kabataan ay dapat pag-asa ng bayan. Mahalaga na magkaroon ng matinding emosyon ang taong nag tatalumpti ukol sa kanyang paksa. Mas naihahatid mismo ang mensahe kapag ang mismong mananalumpati ay ramdam ang piyesa ng kanyang talumpati.

Spoken Poetry
                Ang “spoken poetry” para sakin ay isang talumpati kung saan isinulat mo mismo ang iyong naranasan, mga dinarama, at pinag dadaanan. Sa isang “spoken poetry” din ay mahalaga na ilahad mo ang iyong emosyon. Ang mahalaga sa pag-gawa nito ay ito dapat ay naka base sa naranasan o pinagdadaanan. Dapat ito ay makakapukaw ng damdamin ng tao. Mahalaga na nadarama mo ang bawat bigkas mo para maramdaman din nila ang nadarama mo, kung ito ba ay galit, pighati, o kilig.

                Para maihatid at mapukaw mo ang kanilang damdamin mahalaga na ang piyesa mo ay mula talaga sa puso mo at naranasan mo. Malaki ang tyansa namaka “relate” ang mga manunuod dahil sila rin ay umiibig. Mahalaga din nailagay mo ang emosyon at expresyon mo sa pagsasabi nito.


Cedrick John T. Vitto

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento