Ang Historya ng Magandang Simula
Ang Saint Augustine School ng Tanza ay isang paaralang ipinangalan kay Saint Augustine na patron ng Tanza. Ang paaralan ay itinatag noong ika-14 ng Pebrero 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo. Ang unang prinsipal ng paaralan noong ito ay itinatag ay si Angeles Gabutina kung saan ay dalawang taong nanungkulan bago palitan ni Sr. Clemencia Ranin. Ito ay pormal na nagbukas noong Hulyo 1969.
Ang inaalok pa lamang ng paaralan noon ay para sa kinder at unang baytang. Naging maganda ang pagtakbo ng paaralan sa unang taon na pagbukas nito. Sa tutuusin ay 44 na estudyante at dalawang guro pa lamang ang meron sa paaralan. Ang paaralan ay naging matagumpay at dahil dito ay isang panibagong gusali ang ipinatayo makalipas lamang ng isang taon. Dahil sa mabilis na paglago ng paaralan ay nagtayo na rin ng panibagong gusali para sa "high school" nang sumunod na taon. Pagkatapos itinayo ang mga gusali ay nagpagawa na rin ng "basketball court".
Matagumpay ang pagtakbo sa paaralan ng Saint Augustine School. Sa kasalukuyan ay higit sa daan-daang estudyante na ang nag-aaral dito. Noong 2016 ay nagkaroon na rin ng "Senior high school" ang paaralan. Ang namumunong prinsipal ngayon ay si Mercedita P. Pacumio at ang "school director" naman ay si Rev. Fr. Alain P. Manalo.
Precious Santillan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento