Sabado, Enero 27, 2018

Sintesis 2 (Kasaysayan ng Saint Augustine School)

Ang Historya ng Magandang Simula


         Ang Saint Augustine School ng Tanza ay isang paaralang ipinangalan kay Saint Augustine na patron ng Tanza. Ang paaralan ay itinatag noong ika-14 ng Pebrero 1969 ni Monsignor Francisco V. Domingo. Ang unang prinsipal ng paaralan noong ito ay itinatag ay si Angeles Gabutina kung saan ay dalawang taong nanungkulan bago palitan ni Sr. Clemencia Ranin. Ito ay pormal na nagbukas noong Hulyo 1969.

          Ang inaalok pa lamang ng paaralan noon ay para sa kinder at unang baytang. Naging maganda ang pagtakbo ng paaralan sa unang taon na pagbukas nito. Sa tutuusin ay 44 na estudyante at dalawang guro pa lamang ang meron sa paaralan. Ang paaralan ay naging matagumpay at dahil dito ay isang panibagong gusali ang ipinatayo makalipas lamang ng isang taon. Dahil sa mabilis na paglago ng paaralan ay nagtayo na rin ng panibagong gusali para sa "high school" nang sumunod na taon. Pagkatapos itinayo ang mga gusali ay nagpagawa na rin ng "basketball court".

          Matagumpay ang pagtakbo sa paaralan ng Saint Augustine School. Sa kasalukuyan ay higit sa daan-daang estudyante na ang nag-aaral dito. Noong 2016 ay nagkaroon na rin ng "Senior high school" ang paaralan. Ang namumunong prinsipal ngayon ay si Mercedita P. Pacumio at ang "school director" naman ay si Rev. Fr. Alain P. Manalo. 


Precious Santillan

Martes, Enero 23, 2018

Op. 1

Op. 1

                Ang pagsulat ay isa ring uri ng pananaliksik kung saan ang iyong mga katanungan ay nabibigyan din ng kasaguta. Sa paksang itokailangan na mayroong interes o kaligiran ka sa isang bagay na gusto mong isaliksik. Ang mga katanungan ay nasa unang bahagi ng paksa at ang mga kasagutan ay nasa katawang bahagi ng paksa. Kailangan ang paksang gagawin ay obhetibo o may layunin na gusting iparating.
                Pagsasaliksik ang pinaka susi upang mabigyan ng kasagutan sa interes o pananaw ng isang mag-aaral. Kung saan sakop nito ay tanging paksa o tema ng sulatin. Ang bawat katangain din ay masasagot kung ang isang mag-aaral ay matalino o may pag pupursigi sa pag-aaral na ito. Sa pagsulat mas napapalalim nito ang kaalaman natin at mga katotohanan nito. Sa pag gawa ng sulatin mahalaga nito ay may layunin at interes ng mag-aaral at dapat na may paninidigan sa impormasyon at nabibigyang-katwiran. Mahalaga rin na ang sulatin ng mag-aaral ay hindi mula sa ideya ng ibang manunlat. Kailangan na ang mismong mag-aarl ang maghanap sa kanyang kasagutan.
                Mahalaga na ang isag pagsulat ay base sa interes, pananaw o kaligiran ng estudyante. Bawat pagsulat ay kailangan na may layunin ang mag-aaral. Ang pagsulat ay ginagamit upang bigyang kasagutan ang mga katanungan na sumasagi sa ating isip. Ito rin ay hindi dapat gamitan ng impormal o balbal na pananalita. Sa pagsulat kailangan din na ang impormasyon ay tama. Kailangan na nag mula sa iba’t ibang sanggunian tulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, almanac, at iba pa. Mas makakapag katiwalaan kapag ang mga katanungan ng interes mo ay nagmula rito.

Cedrick John T. Vitto 

Linggo, Enero 21, 2018

Talumpati(Maraming Salamat)

Maraming Salamat
Isinulat ni Precious Santillan

Ako'y anim na taong gulang 
nang umalis ang aking mga magulang
upang magtrabaho 
sa bansang napakalayo

Maganda nga ang aming pamumuhay
ngunit parang may kulang sa aking buhay
Ako pala ay nangungulila na 
sa pagmamahal ng isang ama at ina

Unti-unting nawala ang pangungulila 
nang aking makilala
Ang tunay na Diyos na buhay
na sa akin ay gumagabay
Oh Diyos kong banal
salamat sa sobra-sobrang pagmamahal

Pangalan mong makapangyarihan 
nararapat lang na bigyan ng kapurihan 
Sa pagpapala mong parang pagbagyo
Para na atang hindi titigil ang mga ito

Maraming salamat sa mga ginawa mo
pati na rin sa mga magulang ko
dahil sa pag-aaruga nila 
na ramdam namin kahit malayo sila

Impormatibong Abstrak

Perspektibo ng Pakikiuso sa Materyal na Bagay at Pag-uugali ng Ilang kabataan sa Baguio City

Isinulat nina Macaraeg, Grace Anne & Bullecer, Ma. Fatima


           Ang pag-aaral na ito ay pinag-aaralan ang perspektibo at pag-uugali ng mga kabataan sa materyal na bagay. Ilang kabataang edad na 16-19 ang naging kalahok sa pagsasagawa ng impormal pakikinayam at pagtatanong-tanong, Maraming kabataan ang gustong maki-uso sa mga pagbabago at teknolohiya. Ayon sa nakalap na kasagutan mula sa mga kabataan, ang pakikiuso sa mga materyal na bagay ay ang pagsabay lamang natin sa pagbago ng panahon. Mayroon namang negatibo at positibong resulta, una ay sa pakikiuso. Ang positibong epekto nito ay nabibilang ka sa isang groupo. Ang negatibong epekto naman nito ay magastos at nakaliligtaan na minsan ang kulturang kinalakihan. Naging positibo naman din ito sapagkat malaking tulong ang nadudulot ng ibang ibang materyales lalo na sa aspeto ng pakiki-uso patungkol sa teknolohiya. Mabilis mapadali ang mga gawain dahil sa mga makabagong teknolohiya. Ang negatibo naman ay hindi na nagagawa ng mga kabataan ang nakagawian na ginagawa ng mga katutubo o mga gawain ng kanilang magulang. Nawawala rin ang mga kabataan ng respeto dahil sa kagustuhan nila na makiuso o "pakiki-in" sa mga materyales na bagay na mayroon din ang ibang tao. Hindi naman daw magiging negatibo ang pagkagusto mo sa isang bagay basta ay alam mo ang iyong limitasyon pagdating sa pamimili. Nasabi rin na walang masabang bagay basta ay hindi sobra.


Precious Ann Santillan

Sulatin 3

Sulatin 3

Talumpati
                Para sa akin ang talumpati ay isang uri ng pananalita kung saan ay nagbibigay mensahe at nanghihikayat ng manunod. Dito para bang ang salita mo ay nanghihikayat ng pagbabago. Ang punto dapat ng talumpati ay hindi nalalayo o naiiba sa paksa. Dapat ding bigyang-diin ang mensahe na gusto mong iparating sa talumpati. Mahalaga na maintindihan ito ng tagapakinig upang mabatid nila ang iyong punto at mensahe ng nagtatalumpati.
                Ang uri ng talumpati ay isang Impromptu, dahil ito’y isang talumpati na nag bibigay ng ideya patungkol sa kabataan sa Plipinas. Binibigyan-diin at pinapalinaw nito na ang kabataan ay dapat pag-asa ng bayan. Mahalaga na magkaroon ng matinding emosyon ang taong nag tatalumpti ukol sa kanyang paksa. Mas naihahatid mismo ang mensahe kapag ang mismong mananalumpati ay ramdam ang piyesa ng kanyang talumpati.

Spoken Poetry
                Ang “spoken poetry” para sakin ay isang talumpati kung saan isinulat mo mismo ang iyong naranasan, mga dinarama, at pinag dadaanan. Sa isang “spoken poetry” din ay mahalaga na ilahad mo ang iyong emosyon. Ang mahalaga sa pag-gawa nito ay ito dapat ay naka base sa naranasan o pinagdadaanan. Dapat ito ay makakapukaw ng damdamin ng tao. Mahalaga na nadarama mo ang bawat bigkas mo para maramdaman din nila ang nadarama mo, kung ito ba ay galit, pighati, o kilig.

                Para maihatid at mapukaw mo ang kanilang damdamin mahalaga na ang piyesa mo ay mula talaga sa puso mo at naranasan mo. Malaki ang tyansa namaka “relate” ang mga manunuod dahil sila rin ay umiibig. Mahalaga din nailagay mo ang emosyon at expresyon mo sa pagsasabi nito.


Cedrick John T. Vitto

Sulatin 2

Sulatin 2

Pangalan: Cedrick John T. Vitto

Kapanganakan: July 20, 1999                       Edad: 18                               Kasarian: Lalaki

Magulang:
Ina: Emerita T. Vitto
            Ama: Lino D. Vitto

Tahanan: Phase 1, Blk.3, Lt.3, Sec.3, Belvedere Towne 1, Paradahan 1, Tanza, Cavite

Antas ng Edukasyon sa kasalukuyan (Grado at pangakan ng Paaralan):
                Grade 12 sa paaralang Saint Augustine School Senior High

Mga Asignaturang kinawiwilihan:
                Mga kinawiwilihan ko ay Physics, Contemporary Arts at Religious Education.

Mga kinahihiligang gawain:
                Paglalaro ng Basketball, mag laro ng Online Games, at matulog

Mga natatanging kasanayan:
                Mag drawing at matuto ng mabilis

Pinapangarap na Propesyon:
                Maging isang B.S Civil. Engineer

Cedrick John T. Vitto
   



Sulatin 1

Sulatin 1

Pamagat ng Paksa:
                Ang pamagat ng paksa ay “Internship: Kwentong loob ng Tagalabas”.

Pananaliksik:
                Ang mananaliksik ng paksang ito si Graziel Ann Ruth Latiza.

Introduksyon:
                Ang papel-pananaliksikniGraziel Ann Ruth Latiza ay nagawa sa Instutusyon ng Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod ng Quezon.

MahalagangImpormasyon ng Pag-aaral:
                Ayon sa paksang nabasa ipinahayag nito ang mga impormasyon hinggil sa korupsiyon sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas. Ito ay isang nobela ng isang doktora na namulat sa mga hindi etikal nagawain ng kanyang kapwa doctor. Dito ipinapakita ang pagkatao ng mga doktor kung saan nakadarama rin ng lungkot, takot, kaapihan at nalalagay parin sa sitwasyong alanganin.
                Sensitibo man ang etika ng mga doktor sa kasalakuyan, mas pinipili parin ng awtor na ihayag ang usapin ukol sa pagibibigay-pugay sa mga doktor. Ito ay para sa mga doktor na tumutupad sa simunpaang tungkulin at hindi nagpapasilaw sa tukso.

Kahalagahan ng Paksa:
                Ang kahalagahan ng aral na ito ay pagpapa-alam na ang doktor din ay nakadarama ng takot, lungkot at nalalagay parin sa sitwasyong alanganin. Ngunit sa kabila nito maraming doktor ang hindi gumagawa ng etikal nagawain ukol sa pasyente nila.
                Maraming doktor ang nagpapasilaw sa pera o sa kung anuman upang hindi gumawa ng etikal na gawain. Ang dapat gawin ng mga doktor ay gawin ang kanilang sinumpaang tungkulin.


Cedrick John T. Vitto